Chapter Four

747 35 0
                                    

DUMATING ako sa pinagt-trabahuan mas maaga kaysa sa inaasahan. Nagulat nga si Miss Megan nang makita akong nagbibihis sa locker room. Palagi naman akong on time pero maaga lang talaga ako ngayon.

"Nandito na 'yong nagpa-renta para sa event. Ikaw muna ang umasikaso sa kaniya, Rayzeah," marahang sabi ni Miss Megan na tinanguan ko naman. "Nagulat ako dahil maaga ka ngayon pero mabuti na rin 'yon dahil maaga rin ang customer natin."

"Opo."

Lumabas ako ng locker room at pumunta sa kung nasaan ang costumer namin.

"Hi, good afternoon. I'm Rayzeah and I am the chosen one to assist you this whole afternoon until evening, Sir. Do you need anything?" magalang na tanong ko sa customer namin.

Nakakagulat. Si Alzien ang nakaupo ngayon sa harap ko at blanko lang ang mukha nito. Naka-kwelyo ito at slacks na itim, naka-reading glasses din ito na bumagay naman sa kaniya. Halatang hindi galing sa eskwelahan.

"I'll take one espresso."

"Is that... all, Sir?"

He nodded. Nag-bow ako saka umalis sa harap nito. Lumapit ako sa bar counter at sinabi sa kasamahan ko ang order ni Alzien. Ah, that familiar feeling. Why am I feeling this again?

"Ang poging bata 'di ba, Rayzeah?" bulong niya habang ginagawa iyong order ni Alzien.

Nagkibit balikat ako. May itsura naman talaga si Alzien, halata mong desente. Ang kaso lang ay parang walang pakialam sa paligid. Parang may sariling mundo.

"Hindi mo type?" nakangisi niyang tanong.

Umiling ako. "I'm not into kids... or someone younger. At wala pa sa plano ko ang ganiyan. Crush lang muna. Saka na 'yong... ganiyan."

"Mukha bang kid sa 'yo 'yan? Gaga! Sabagay, may soft features e kaya mahahalata mong bata. Siguro kung may balbas 'yan tapos ganiyang naka-reading glasses, masasabi mong isa siyang high school professor. Ang gwapo ng tindig, matipuno rin ang katawan," litanya niya.

Napangisi ako sa tinuran nito. Kung type niya si Alzien, hindi mo rin masasabing pedophile. Nasa legal na edad na si Alzien e. Nineteen? If I'm not wrong. Twenty-one debut ng mga lalaki 'di ba? Kung type niya, hintayin niyang mag-debut.

"Gusto mo?" tanong ko.

"Maryosep! Magtigil ka nga, may anak ako," kinakabahang sita niya na nagpa-tahimik sa akin.

Malay ko ba. Hindi naman ako mausisa sa mga talambuhay nila. Close kami pero iba pa rin 'yong personal or private life nila, confidential. We don't talk a lot since work is work. We don't talk after our shift either, diretso uwi na agad.

"Ah. Pakilala mo sa 'kin. Nabinyagan na?"

Gusto ko maging Ninang. Wala akong inaanak. Wala akong maibibigay financially, pero hindi naman iyon tungkol sa pera.

"Swerte mo hindi pa. Saka na, gusto kasi namin ng husband ko na engrande 'yong binyag ni baby para memorable, sa ngayon nag-iipon pa kami," nakangiting kwento niya.

Depende naman sa magulang 'yon kung gusto niyang espesyal ang binyag ng anak niya o hindi. Kung gusto nila ng engrade, then it's fine. Sino ba naman tayo para umepal, 'di ba? Desisyon nila 'yan, sila 'yong magulang. Ang blessed naman ng baby nila, alagang-alaga ng Mommy at Daddy.

"Ninang ako ha."

"Sure." Nakangiti niyang turan. "Heto na ang order ni pogi."

Naglakad ako pabalik sa table ni Alzien at inilapag roon ang order niya.

"I'll be at the counter, Sir. Please raise your hand if you need something. Excuse me," I bowed my head and left immediately.

Bumalik ako sa counter at umupo sa tabi ng katrabaho. Walang ibang customer bukod kay Alzien. Intimate event siguro? Family dinner? Or date? Baka.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now