Chapter Thirty Two

708 25 0
                                    

"MOMMY, where's Daddy?" tanong ni Jacob.

"May pinuntahan si Daddy mo, babalik din 'yon mamaya."

When I woke up, Alzien was nowhere to be found, ang nakita ko nalang sa bed side table ay ang pagkain na nasa tray at maliit na note. Pupuntahan niya 'yong kapatid niyang Chase ang pangalan, may meeting daw sila ngayon. Hindi na ako nag-abalang tawagan pa si Alzien, pinaalam naman niya na kung saan siya pupunta.

"Naka-pack na 'yong things mo?" tanong ko sa anak ko.

"Yes po, Mommy. Daddy and I packed my things last night. Are we going to leave without Daddy? Daddy won't be with us again, Mommy? Mas important po ba ang work ni Daddy kaysa sa 'tin?" inosenteng tanong nito.

Tumigil ako sa pagtipa sa laptop at bumaling sa kaniya. Hinuli ko ang kamay niya at pinalapit siya sa 'kin. I nuzzled his cheeks and planted soft kisses.

"Sa tingin mo ba papayag si Daddy mo sa ganoon?" malambing na tanong ko.

Umiling naman ito agad bilang sagot.

"Exactly, anak. Alam mo naman kung gaano ka ka-love ni Daddy, right? Ayaw niya na malayo sa 'yo kasi baby ka niya at love na love ka niya."

"Okay, Mommy. I was scared last night. Nag-dream ako ng bad. May kukuha daw na ibang family kay Daddy kasi ayaw niya na sa 'tin," namuo ang luha sa magkabilang gilid ng mata nito.

Kinandong ko ito at pinunasan ang luha. Growing up without a father is kinda traumatic for him. Subukan lang gawin ni Alzien iyon, hahabulin ko siya ng latigo.

"Hindi gagawin ni Daddy 'yan, hindi niya tayo iiwan. Kapag ginawa ni Daddy 'yon, hindi niya na tayo makikita."

Tumigil din naman si Jacob sa pag-iyak. Pinagpatuloy ko ang ginagawa habang nakakandong pa rin siya sa 'kin. Ibinaba ko agad ito nang sabihin nitong gusto na bumaba.

We're leaving so soon. Alzien didn't tell me what are his plans. Ayos lang din naman kung hindi siya sasama, basta ba may update from time to time. Hindi nag-o-open si Jacob sa 'kin pero alam kong gustong-gusto niya rin makasama ang tatay niya. Ang bata-bata pa ng anak ko pero masyado nang secretive. Nag-aalala ako sa totoo lang. Hindi naman maiiwasan 'yon, lumalaki kasing tahimik si Jacob at hindi nagsasabi ng mga bagay-bagay.

Gusto ko rin maranasan 'yong sinasabihan ng problema kagaya ng ibang bata na open sa parents nila. Jacob is growing fast and I want him to know that I am always here to listen.

Bumaba ito sa kandungan ko at bumalik sa ginagawa. I watched him as he tried to solve one of Alzien's cubes. Ang hilig nilang dalawa sa mga mind games.

"Mommy! Look! I solved Daddy's cube!" Nagtatakbo ito palapit sa 'kin bitbit ang rubik's cube ng kaniyang ama.

Manang-mana kay Alzien.

"Ang galing-galing, baby. Saan mo nakuha 'yan? Binigay ni daddy mo?"

"Binigay ni Daddy last night. Bibigyan niya raw ako ng mas challenging kapag na-solve ko po. I solved it, nag-watch ako ng video sa YouTube," sagot niya.

"Ang galing naman ng mga baby ko. Hindi ko kaya 'yan, tinuruan ako ng tatay mo noon pero hindi talaga kaya."

Kung nandito si Alzien at narinig iyong sinabi ko baka makalimutan no'n na huminga.

"Ayos lang 'yan, Mommy. Pretty ka naman e. I love you, Mommy ko."

"Love love much much din, baby ko. Doon ka muna, magwo-work lang si Mommy para hindi hectic ang schedule ko sa work pag-uwi natin."

Nare-review ko ang mga partnership reports galing sa secretary ko. Few big companies wanted to have a partnership with mine. Titignan ko pa kung compatible at wala kaming magiging problema.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now