Chapter Fourteen

608 25 0
                                    

NAG-BOOK ng dinner sa mamahaling restaurant ang parents ni Chelsea para sa celebration ng graduation ni Cielo. Inaaya akong sumama. Ayaw ko mang tumanggi ay kinakailangan dahil may trabaho pa ako.

"Are you sure, Rayzeah, hija? We really want you to come," paniniguradong tanong ng Daddy ni Chelsea.

The sincerity in Tito's voice is making me feel like I am part of their family. Ngumiti ako. Tita's face is still hopeful.

"Yes po, Tito. May trabaho kasi ako. Pasensya na po."

Tito brushed it off with a warm smile. Umamba ito yayakap kaya natuod ako. They both embraced me into a tight hug.

"No, it's fine. Sunday bukas, mag late celebration kayong tatlo ni Chelsea at Cielo."

Malaki ang ngiti ng magkapatid sa akin. Ngayon ko lang napansin na suot ni Chelsea ang toga ni Cielo at hawak niya rin ang bouquet nito. She even went to wearing Cielo's silver medal.

"Sige po, aalis na ako. Congrats, Cielo. Text na lang, Chels."

Kumaway si Cielo, hindi pa rin nawawala ang malaking ngiti sa labi.

"Thank you po, Ate! Thank you rin sa pagpunta," ngiti ni Cielo.

Naglakad na ako palabas ng campus. Punong-puno ng ilaw ang paligid. Paglabas ng campus ay ini-on ko ang flashlight ng cellphone na bitbit. Hindi naman ako nagp-planong maglakad all the way sa restaurant, hahanap lang ako ng masasakyan sa unahan banda.

Napahinto ako nang may pamilyar na kotseng tumigil sa tabi ko. Bumaba ang may-ari at tama nga ako, si Alzien iyon. Hindi na ito nakasuot ng toga, pormal na ang suot nito.

"Bakit?" tanong ko nang lumapit ito sa akin.

Natuod ako sa kinatatayuan ko nang yumakap ito sa akin ng mahigpit. He smell good.

"Thank you. God! Thank you so much," bulong nito.

Natigilan ako sa binanggit niya. Nakaramdam ako ng lamig sa bandang balikat kaya bahagyang lumingon ako. Suminghot-singhot ito at doon ko napagtantong umiiyak nga ito.

"You're welcome. Tumigil ka na kakasinghot, baka sipon mo na ang bumabasa sa balikat ko," biro ko.

Mahinang tumawa ito at bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin. Nagpunas ito ng mukha at ngumiti. It's a bright smile. He must've been in good mood.

"Saan ka? Ihahatid kita," tanong niya.

"Magt-trabaho," sagot ko.

Lumapit si Alzien sa passenger seat ng kotse at binuksan iyon. I frowned, not wanting to. Hindi ako nanghihingi ng kabayaran sa ginawa ko kanina.

"Ihahatid kita. Gabi na at... mas mabuting ihatid kita."

Nawalan ako ng imik. Gusto ko pang magpa-choosy pero tama siya, gabi na at mas mabuti sigurong sasakay ako. My feet moved on its own. Nagtatalo pa ang utak ko pero ang katawan ko ay sumakay na sa kotse.

"Wala ang parents mo kanina," panimula ko.

"Hm. Ayaw kasi nila sa course na kukunin ko, that's why they didn't bother attending my graduation," sabi niya.

I clicked my tongue, unable to process what he said. It's graduation and it's... important.

"So tuloy ang plano mo?"

"Something like that," tango niya.

He chuckled nervously. He's unsure with everything.

"Hindi ka magce-celebrate? Graduate ka na sa high school. At least celebrate it, kahit ikaw lang mag-isa," suggest ko.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now