Chapter One

1K 29 0
                                    

NGAYON ay nandito ako sa bahay ng mga magulang ni Chelsea. Sabay naming gagawin 'yong sa reports. Hindi niya daw kayang gawin kapag wala ako. Ginawa pa akong tutor. Pinindot ko ang doorbell ng gate nila. Mayamaya pa ay nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Cielo palapit sa gate. Cielo's face resembles a lot like Chelsea's, hindi talaga maipagkakailang magkapatid.

"Hi, Ate Rayzeah!" umaliwalas ang mukha nito nang makita ako.

"Hello. Si Ate mo?" tanong ko.

"Pasok ka, Ate. Nasa loob, ngumangawa kasi sunog 'yong binake niyang cupcakes."

"Cupcakes? Para kanino?"

"Nandito kasi mga kaibigan ko, Ate. Gumagawa rin kami ng project namin. Sabi ni Ate ib-bake niya kami ng cupcakes e, ayon itim paglabas," tumatawang sabi niya.

I grinned. Chelsea's the worst when it comes to baking. Matagal na kaming magkaibigan kaya alam na alam ko na ang mga kahinaan nito. Ayaw niya sa recitation kasi madali niyang makalimutan 'yong mga words sa libro o notebooks. Chelsea is one of those what we call auditory learners. Mas madali niyang naiintindihan at naaalala kung maririnig niya. Kaya siguro pinapunta niya ako rito. Well, hindi naman ako magdadalawang-isip na tulungan siya. I'm returning the favor, she helps me a lot with everything. Auditory learner si Chelsea, ako naman ay auditory at visual learner. Naiintindihan ko lahat. Kapag naguguluhan ay babasahin ko iyon ng paulit-ulit, words by words at may kasamang presence of mind.

"May libro siyang pinagbabasehan?" tanong ko.

Tumango si Cielo bilang sagot sa tanong ko. Just like Chelsea, I also don't know how to cook. Cooking is a weakness of mine. Ang pinakaunang trabaho ko ay ang pagiging katulong sa mag-asawang walang anak. I was honest, letting them know that I don't have the skills to cook and I might burn their kitchen. Before I got my job as a waitress which is my current work, I worked part time as a maid. Scholar ako sa high school at ang mga binabayaran ko lang ay iyong mga ambagan. I worked for them in exchange of giving me a comfortable bed to sleep on. Wala naman akong ibang pinaggagastusan ngayon kaya nakakaipon ako ng paunti-unti at nakakapagpadala rin sa foundation kung saan ako nakatira noon, kaunting tulong para sa mga batang nando'n at para sa mga madre na nag-alaga sa 'kin.

Nabalik lang ako sa sarili nang magsalita si Cielo. I didn't even realize that we're already inside. Nagkalat sa sala nila ang mga papel at iba't-ibang materyales na hinuha ko ay para sa project na ginagawa nila. May dalawang mukha na pamilyar sa 'kin. Iyong interview ko at in-interview ni Chelsea, nandito. Dalawa lang silang namumukhaan ko. Iyong sa akin ay si Alzien, 'yong panghuling binatilyo na na-interview ko noong nakaraan.

"Guys, si Ate Rayzeah nga pala, kaibigan ni Ate," pakilala ni Cielo. "Huwag kayong magulo, mahiya naman kayo. Pasensya ka na sa kalat, Ate, ha? Nagmamadali na rin kasi kami dahil ipapasa na 'to. Panay gala kasi ang isa riyan kaya nakalimutan na na may pending project pa pala kaming gagawin."

Nagpalitan ng tingin si Cielo at iyong mga kaibigan niya. Mayamaya pa ay sa akin naman ito bumaling. Natigil ang paningin ko sa isang kaibigan ni Cielo. Itim ang balat nito. Not totally, black beauty siya kung tatawagin. Ang ganda niya. Blue din 'yong mata, halatang hindi Pinay. Tapos mukhang mamahalin 'yong damit. Para siyang model kung titingnan. Soleste na Soleste ang dating.

"Hi po. Pasensya na sa kalat, mahilig po kasing magkalat ang mga teenagers," bati ng isa.

"Pero malinis naman po kami," bawi agad ng katabi nito.

Ngumiti lang ako at bumati rin. Natuod ako sa kinatatayuan ko nang magsalita iyong lalaking kaibigan ni Cielo. Singkit ang mata, halatang may lahi. Katulad ni Kiko. Branded ba ang lahat ng kaibigan ni Cielo?

"Ilang taon ka na, Ate Ray?"

Wow, first name basis.

"Twenty-four. Magt-twenty-five," sagot ko.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now