Chapter Twelve

648 25 0
                                    

"MAY ipon ka ba?" pasimpleng tanong ko kay Alzien nang makababa kami sa hagdan ng apartment.

Dinaanan namin kanina ang landlady para magbayad. And now we are on our way to school. Medyo nahiya ako dahil paglabas namin at paglapit sa kotse niya ay flat na ang gulong nito. Sinasabi ko na nga ba.

"Yeah, a little. Enough for me not to starve for months." Napatitig siya sa gulong ng kaniyang sasakyan. "This won't do. May malapit bang vulcanizing shop dito?"

"Pasensya ka na. Buti nga at pinagtripan lang, hindi ninakawan. Medyo malayo."

Umigting ang kaniyang panga. He's now twenty. I just realized that. He's no more teen.

"It's okay. I'll have this towed later."

Lumuhok ako dahil sa naisip. He looks more manlier in my eyes now. How is that even possible? In just a snap...

"Taxi ulit? Wala pa akong pera, sa katapusan pa sweldo ko."

Humarap ito sa akin at namulsa. Bagay na bagay sa kaniya 'yong uniform ng school nila, mas nadedepina kasi 'yong katawan niya.

"Hindi ikaw ang magbabayad kapag ako ang kasama mo."

"Dapat pala araw-araw akong sumama sa 'yo," biro ko.

Lumamlam ang mga mata nito saka mahinang natawa.

"Pwede rin. Buhayin kita tutal pinapakain mo naman ako ng libre."

May dumaang taxi sa harap namin at pinara iyon ni Alzien. Pay less pala ako dito kay Alzien.

Habang binabaybay ang daan papunta sa school niya ay tahimik kaming dalawa. Tahimik ako dahil nahihiya ako sa nangyari sa kotse niya. We could talk about something, kahit walang sense, katulad no'ng kay Chelsea. But it might be weird so, I guess not.

I saw the gate of his school ahead. Hinawakan niya ang bag at naghahanda ng bumaba.

"Manong, pakiingatan. Ayoko mawalan ng source of foods," pabiro ngunit matigas na sabi ni Alzien.

Akala mo nagbibiro na may halong seryoso. Si Alzien lang yata ang kilala kong gumagawa ng ganoong bagay.

"Ako magbabayad next time," pahabol ko.

Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko. I stopped breathing in surprise. Huminga ako ng malalim upang pakawalan ang tensyon na nararamdaman. This is not good.

"I told you, you don't have to pay anything if you're with me."

Bumaba siya sa sasakyan na may sinusupil na ngiti sa labi. Hindi na lang ako umimik at pinasibad na ni Manong ang taxi niya.

"Mga Dela Rama nga naman," iiling-iling na sabi ni Manong.

"Kilala mo 'yon, Manong?" tanong ko.

"Oo. Bunsong anak iyon ng mga Dela Rama, palagi kong nadadaanan ang malaking bahay na pagmamay-ari ng pamilya no'n," litanya ni Manong.

Bunsong anak. So he has siblings? And older? Ilan sila? At gaano kalaki ang bahay? Or is it even a house?

"Malaki? Gaano kalaki, Manong?" kyuryuso kong tanong.

"Sobrang laki, ma'am. Mas malaki pa sa paaralan na pinapasukan ng batang 'yon."

Punyeta. Gano'n kalaki? Nararamdaman ko na naman ang pagiging hampaslupa.

"Nagtataka nga ako kung bakit naka-taxi ang batang iyon," dagdag ni Manong.

Hindi naman talaga dapat.

"Ilan ang kapatid niya, Manong?"

"Dalawa. Babae at lalaki. Hindi mo ba kilala ang batang 'yon, ma'am? Bakit kayo magkasama?"

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now