Chapter Thirteen

593 25 0
                                    

 DAYS passed by unexpectedly. Ang portfolio ni Cielo ay napasa na sa teacher niya at aprubado na rin ito. The portfolio contains details about her work immersion. Two weeks and then they're done. Just like that.

Ngayon nga ay kami sa loob ng malaking gymnasium ng school nila ni Cielo, sa harap pa mismo ng stage. Graduation nila ngayon at nandito kami para makitang maglakad si Cielo sa stage. Hindi naman ni-reveal ni Cielo kung with honors ba siya, with high honors or with highest honors.

"Matagal pa ba magsismula itong program?" reklamo ni Chelsea.

"She's your sister, enjoy mo dapat ang moment," sabi ni Soleste.

Gusto kong makihalubilo sa kanila pero busy ako sa page-edit sa final output ko. Next week na ang deadline. Akala ko rin maaga kong matatapos, nawalan ako ng time dahil aral sa umaga, trabaho sa gabi.

"Gusto ko na makitang rumampa sa stage si Cielo," nakasimangot na sabi ni Chelsea.

Excited, mas excited pa sa kapatid na ga-graduate. Mamaya pa yata magsisimula ang program. Nakita naming palapit na si Cielo sa kung saan kami nakaupo kaya umayos ako ng upo.

"Ate, magsisimula na ang program after five minutes. Wala pa ba sina Mommy?" tanong nito.

Si Chelsea ang nagsalita.

"Parating na daw. Ganda mo ah, pero ngayon lang," ngisi ni Chelsea.

"Araw-araw naman akong maganda, Ate, kung ayaw mong tanggapin, ako na lang ang tatanggap," irap ni Cielo na ikinahagikhik ni Chelsea.

Nagsimula na ang program kaya kinailagan na ni Cielo na bumalik kasama iyong nga kaklase niya. Maya-maya lang din ay dumating ang parents nila.

"Mauuna daw tawagin 'yong mga graduates tapos saka na isusunod 'yong mga honors," sabi ni Chelsea.

"Patingin." Kinuha ko sa kamay nito ang schedule ng buong program. Program lang ang nandito, wala 'yong pangalan ng mga high school graduates. May guide naman kung ano-ano ang uunahin. Sino kaya 'yong with highest honors?

"Hula ko walang award si Cielo," ngisi ni Chelsea."Ako rin kasi dati e."

"Ang sama mo naman sa kapatid mo," wika ni Mariko.

"Truth!" segunda ni Soleste.

Tumawa si Chelsea. Alam ko namang masaya siya para sa kapatid, with or without honors, ayaw niya lang talaga ipahalata. But we know her so we know what she feels.

"Hula nga lang. Kapag wala edi ayos lang, kapag mayro'n edi nice," nag-thumbs pa ito.

Tahimik na napangiti ako. I saw that coming.

"Kung ako lang nagkaroon ng kapatid na kagaya ni Chelsea, hihimlay nalang ako ng maaga," sabat ni Kiko.

"Gusto mo humimlay ka na e, ngayon na mismo," pabalang na sabi ni Chelsea kay Kiko.

Babawi na sana si Kiko nang may nagsalita. I saw how he stiffened and went back to sitting properly, maski si Chelsea ay ganoon rin dahil sa ma-awtoridad na boses na iyon.

"Chelsea."

Sabay-sabay kaming lima na napalingon nang marinig ang striktong boses ng Daddy ni Chelsea. Hindi naman nakakatakot tignan ang Daddy ni Chelsea, intimidating nga lang. May pagbabanta rin sa boses nito na ikinatuod ni Chelsea.

"Sorry, Dad."

Hindi na ulit umimik ang Daddy ni Chelsea, nanahimik na rin kami at nag-focus sa program hanggang sa isa-isa nang tinatawag ang mga estudyanteng graduates. Hindi nagtagal ay tinawag na ang section nila Cielo, tagal din naming nakaupo, tatayo lang kapag may guest speaker na ina-announce at papalakpak. Gano'n lang ang ginawa namin throughout the program.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now