Chapter Three

798 29 0
                                    

"PAPARATING na pasahan ah. Handa ka na ba, Alonzo?"

Nakaupo kami sa bench nang magtanong si Mariko sa 'kin. Sasagot na sana ako nang naunang sumagot si Kiko para sa 'kin.

"Kahit naman hindi mag-handa 'yan may maisasagot parin 'yan e. Si Alonzo pa."

"Ikaw na pala si Alonzo ngayon?" mataray na tanong ni Mariko.

Nagsisimula na naman sila. Panibagong araw, panibagong dog show.

"In behalf of Rayzeah Carangevill Alonzo, I, myself—"

"You're so maraming sinasabi, Ishikawa. Utal-utal naman" irap ni Soleste.

"E di sorry! Pasensya kung hindi ako katulad mong sa United States pinanganak. Kasalanan ko talaga e. Kasalanan kong sa Japan ako pinanganak," maasim na sabi ni Kiko.

"Out of topic ka na, leche ka," masamang tingin ang pinukol ni Chelsea kay Kiko. "And please, ang cringe ng mga sinasabi mo."

"Aping-api na talaga ako sa inyo."

"Talk to my hands, Ishikawa," maarteng sabi ni Soleste.

Patuloy lang ang bangayan nilang apat at talaga namang nakakairita iyon sa pandinig. People be testing me lately and I knew I had to interfere with their nonsense catfight.

"Napag-aralan niyo na parte niyo?" tanong ko na ikinatahimik nila.

Si Chelsea ang unang sumagot at nagtaas ng kamay. "Naman! Ni-record ko kaya no'ng binasa mo, Rayzeah."

Bumaling ako ng tingin sa tatlo. Kay Kiko, Soleste at Mariko. Sabay-sabay naman silang tumango at in-explain pa sa harap ko kung anong natutunan nila. Mga abnormal.

Hindi rin kami nagtagal sa pagtambay dahil kailangan rin naming bumalik sa kaniya-kaniyang klase. Si Mariko at Ishikawa ang kaklase ko sa lahat ng subject dahil pareho kami ng course.

"Huwag mo na ako ihatid mamaya, Chels."

Naglalakad na kaming dalawa pabalik sa room.

"Why? Anong sasakyan mo?"

Sapatos siguro.

"Didiretso ako sa work. Busy kami mamaya, may nag-renta kasi ng isang buong gabi. Hindi ko lang alam kung maraming bang tao o intimate ang magaganap na evet mamaya."

I wasn't even sure if it was an event. Walang ibang nasabi ang katrabaho ko sa 'kin bukod sa may nag-renta nga raw ng isang gabi sa restaurant.

"E 'di malaki na naman sahod mo niyan?" may kakaibang ngisi sa labi nito.

"Hindi ako manlilibre. Ipapadala ko sa foundation 'yong pera," pinaningkitan ko siya ng mata.

I wasn't able to visit the place where I used to live for the past few years. Magmula nang mapunta ako sa lugar na ito ay hindi na ako nakabalik pa doon. Bukod sa hassle ang byahe ay wala rin akong sapat na pera panggastos.

"Wala naman akong sinabi, advance ka. Itatanong ko nga lang kung sasama ka sa outing next week since magkakasahod ka naman."

"May outing next week?" nagtatakang tanong ko.

Hindi ko alam 'yon. Imposible rin na in-announce 'yon tapos hindi ko narinig. O baka in-announce nga, hindi ko lang maalala. I'm too occupied with life responsibilities, too. May mga bagay talaga akong nakakaligtaan minsan.

"Oo. Remembrance raw ng buong klase. No need to worry about the expenses, libre lahat ni Professor. Ang babayaran mo lang 'yong mga bibilhin mo. Sama ka sa 'kin, bumili tayo two piece bikini," lumiwanag ang mukha niya na ikinaawang ng labi ko.

Sweeter Than 3.14Where stories live. Discover now