Accidentally In Love 3

112 4 0
                                    

AISHLEEN

Tila butiki na naputulan ng buntot na nagtatakbo ako palabas ng building matapos ko makita ang kahindik-hindik na tagpo sa ibabaw ng magulong kama ni Bryce. Their adulterous noise almost made me passed out.

So that's what he want?

How dare he!

Of all people ang bestfriend ko pa na bagong kakilala niya lang! Kailan pa nila 'to ginagawa? Kailan pa nila ako iniiputan sa ulo?

Tinakbo ko ang kinaroroonan ng kotse.

"Bumalik na tayo sa apartment ni Mia." kalmado kong wika kay Ace pagkaupo ko sa backseat pero ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan na pilit kong tinatago sa kanya.

Gulat na nilingon niya ako saka tumanaw sa labas. Pagtingin niya sa akin nagdugtungan na ang kanyang mga kilay. Muli kong kinalma ang aking sarili. Subrang hirap pero kinaya ko. Parang may tumutusok na napakalaking aspili sa puso ko pero nagawa kong itago sa kanya. Hindi niya pwedeng malaman at baka makaabot pa kay Kuya. Knowing my brother, tiyak sa sementeryo pupulutin si Bryce.

"What's wrong?"

"Nothing wrong," tinuro ko sa kanya ang manibela. "Now start the car kung ayaw mong sipain kita diyan palabas at ako mismo ang magmamaneho."

Nakakaluko niya akong pinagtawanan.

"I guess I know why," he then started the engine. "See, I told you, he's no good for you."

"Shut up!" sigaw ko sa kanya.

Kunting push niya pa't sasabog na talaga ako. But ofcourse he's Ace, the most annoying person on earth I've ever known! Iwan ba't siya pa ang personal bodyguard na tinalaga sa akin ni Kuya. Bukod sa saksakan ng daldal, sipsip, sumbungero, nakakapanggigil ang mga banat niya! Hindi ko alam kung may sa ano ang mata at utak ng lalaking 'to dahil basang-basa at sapol na sapol niya ang bawat galaw at kilos ko. Lagi pa akong binabara.

"Did he surprise you that much for you to transform like a menopausal granny?"

"I said YOU.. fucking.. SHUT UP!"

"Would you like to go in a Break Bar?"

"Hindi ka ba talaga titigil?"

"Oh c'mon Miss A. Have a life! Hindi siya kawalan. There's someone out there who you really deserve. All you need is just to open your eyes para makita mo ang lalaking totoong nagmamahal sayo.. matagal na."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tinitigan siya ng matagal saka pinagtaasan ng kilay. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa harapan ng dibdib ko.

"May gusto ka ba sa akin?"

"Fuck!" muntik na akong masubsob sa upuan sa biglang preno niya. "Are you fucking serious?"

"Siguro matagal ka ng may pagnanasa sa akin, ano? Aminin mo!"

"Yucks, asa ka naman." humalakhak siya saka muling pinaandar ang kotse. "Wala akong kainte-interes sa mga spoiled brat na kagaya mo."

"Spoiled brat." ulit ko sabay irap. Umayos ako ng upo. Humalukipkip sa sandalan. "So, ang kagaya pala ni Eli ang pinagkakainteresan mo--Aww!" daing ko ng mangudngud ng tuluyan ang mukha ko sa sandalan sa muling biglang preno niya.

Gigil na inabot ko ang kanyang buhok. Mahigpit ko siyang sinabunutan at pinagpupukpok ng kabilang kamay.

"You oaf! Matagal na akong nanggigigil sayo na lalaki ka ha! Bwesit ka!"

"Awww--Miss A! Stop it!" singhal niya sa akin habang iniiwas ang kanyang mukha sa nananapok kong mga kamay. "T'ngna--sabi ng tumigil ka!"

Sunod-sunod na malakas na busina sa likuran ng aming kotse ang nagpatigil sa akin. Hingal na sumalampak ako sa upuan. Giving him a sharp look. Masamang tingin din ang pinukol niya sa akin bago pinaharurot ang kotse palayo.

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon