Accidentally In Love 37

55 3 0
                                    

AISHLEEN

Months passed, but it felt like just yesterday. Parang kahapon lang nagtitinda-tinda pa ako ng iba't ibang klaseng ulam, nakikipagtawanan sa mga trabahador, nakikipaghuntaan kay Catherine doon sa tindahan namin, nakikipaghabulan sa mga kalaban, nakikipagbakbakan...

"Katya..."

Mabilis kong pinalis ang luhang dumaloy sa pisngi ko ng marinig ko ang boses ni Tiya Luz saka siya nilingon. Nakasilip siya sa bukana ng pintuan.

"Kanina pa ako kumakatok hindi ka naman sumasagot kaya pinihit ko na pabukas," aniya. "Naistorbo ba kita? Pwede ba akong pumasok?"

I nodded.

Humakbang siya papasok saka sinarado ang pinto. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na kulay gintong makapal na libro. Nanatiling nakatitig doon ang aking mga mata hanggang sa huminto siya sa harapan ko.

"Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. "Narinig kitang humihikbi kanina--"

Sunod-sunod akong umiling kasabay ng walang ampat na pagdaloy ng mga luha.

Kani-kanina lang lumabas ng kwarto ko sina Ate Cristal at Laica kasama ang mga tsikiting nila. Pati sina Eli at Mia. Yung anak ko, si Reuben, nahihimbing na sa tabi ko. Napagod siguro kakalaro.

They tried to talk to me. Halos araw-araw nila akong inaaliw, lahat ng tao dito sa bahay, pati sina Tita Jackie.

Dumalaw din sa akin sina Serena, Rhiana at Zoey. I'm glad that they're OK and safe. Pero hindi ko alam sa sarili ko ba't hirap akong kausapin silang lahat even Mom, Dad, Kuya and Nay Gil. Hindi ko mahanap ang boses ko. Hindi ako makapagsalita. Hirap na hirap akong tanggapin ang nangyari lahat sa buhay ko.

Kung tutuusin wala naman akong kasalanan. Wala akong niluko. Wala akong inagrabyadong tao. Pero bakit ganun? Bakit ang lupit ng kapalit ng ginawa kong pag-iimbestiga noon? Kasalanan bang malaman ang pinagmulan ng pagtatangka nila sa buhay ko? Bakit pinaparusahan ako ngayon ng tadhana? Kung kailan nahanap ko na yung lalaking para sa akin... yung lalaking akala ko siya na ang una't huli saka naman biglang binawi sa akin.

Mahigpit akong niyakap ni Tiya Luz. "Sorry... dapat hindi na kita tinatawag pang Katya. Nasanay kasi ako e. Pasensya na." sinapo niya ang mukha ko saka pinalis ang mga luha doon. "Pinabibigay pala sayo si Ritz, yung kapatid ng asawa mo sabi ni Ace."

Muli akong napatitig sa golden book na inaabot niya sa akin. Kakaiba iyon. Walang katulad sa mga libro na nakikita ko sa mga bookstore. Mukha iyong pinasadya. Bagong-bago, kumikinang na tila ba ingat na ingat ang may-ari niyon.

"P-Para po sa akin?" halos hindi ko marinig ang sarili kong boses sa subrang hina.

Nag-angat ako ng tingin kay Tiya Luz ng hindi siya umimik. Nanlalaki ang mga mata at awang ang mga labi ang sumalubong sa akin, tila gulat na gulat na marinig niya ang boses ko. Muli niya akong niyakap ng mahigpit. I even heard her sobbed.

"Nagdadalawang isip akong pumasok dito kanina kaso pinilit nila akong ako na lang magbigay nito sayo. Kahit ang Tiyo Emer mo pinagtutulakan ako na puntahan ka dito e," kusa niya ng nilagay sa ibabaw ng kamay ko ang kulay gintong libro. "Sabi ni Ritz ibigay daw 'to sayo. Kabilin-bilinan niya na ingatan mo daw 'to kasi kabiyak daw 'to ng puso ng Kuya niya."

Niyuko ko iyon at marahan na hinaplos ang hugis puso na butas sa ibabaw. "Si... Ryan po ang may-ari nito?"

"OO daw." hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang maliit na kulay ginto rin na hugis puso na bagay. Sing laki ng piso. "Gamitin mo daw yan sa pagbukas niyan kung gusto mong makita ang nasa loob."

Nilaro-laro ko iyon ng daliri. "Saan niya daw po ito nakuha?"

"Sa kwarto daw mismo ng Kuya niya."

"Hindi po ba sila pupunta sa kasal nina Kuya at Ate Cristal?"

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon