Accidentally In Love 39

64 3 0
                                    

AISHLEEN

"Kailan pa kayo nakabalik dito, Ry?" tanong ko sa kanya habang tinutulungan ko siyang makalipat sa kama.

"Ba't mo naitanong?"

"All your wounds are fully healed. Curious lang ako kung may tumitingin na ba sayong Physiotherapist--"

"Meron!"

Napatitig ako sa mukha niya sa bilis ng sagot at tono ng boses niya. Yung ekspresyon niya iba rin. Nakita ko pa siyang napalunok sabay iwas ng tingin.

Kaagad kong hinawakan ang pisngi niya at muling ibinaling sa'kin. Pinakatitigan ko siya sa kanyang mga mata. Hindi siya makatingin ng deritso sa'kin.

"May... tinatago ka ba sa'kin?"

"W-Wala! Of course, wala. Ano naman ang itatago ko sayo?"

"Ba't gulat na gulat ka naman yata e nagtatanong lang naman ako?"

He pouted his lips. "Pakiramdam ko kasi ibibigay mo ako sa Physiotherapist e."

"Tss... Kailangan mo yun para--"

"Ikaw lang din ang kailangan ko, Aish." agap niya. "Gusto ko ikaw ang mag-alaga sa'kin. Ayoko ng iba. Ikaw lang."

"Aalagaan naman kita e. Pero hindi naman kasi ako Physiotherapist. Hindi rin ako Doctor. Kailangan matingnan--"

"Nagsasawa na ako sa mga pagmumukha nila kaya pinalayas ko na." sabad niya ulit. "'Wag mo ng pabalikin pa dito."

"P-Pinalayas mo?" bulalas ko. "Bakit?"

"Basta ayoko sa kanila. Subrang higpit. Kaya ayon pinalayas ko na. Tsaka you just arrived on time. I'm gonna be your baby to care of, diba?"

Naiiling na nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga. Kinuha ko ang malaking unan, nilagay ko sa likod niya, at isinandal siya sa headrest. Tumabi ako sa kanya ng higa, iniunan ang ulo sa tiyan niya saka niyakap siya ng mahigpit. Sinuklay-suklay niya naman ng daliri ang buhok ko.

"Ry..?"

"Hmmm..."

"We're having... a second baby."

"I know."

Tiningala ko siya. "Sinabi nila sayo?"

He nodded and smiled at me. "Napabilis yung paggaling ko dahil do'n. I was so excited to cherish that good news with you."

"Bakit hindi niyo kaagad pinaalam saakin na you're here?"

"Ayaw nila. Pinagtulungan nila akong lahat. Baka daw ma-stress ka lalo kapag nakita mo yung itsura ko." he shrugged his shoulder. "Mas inisip ko yung kalagayan mo kaysa sa kagustuhan kong makita kayo ng anak ko kaya hinayaan ko na lang. Mas importante yung ngayon diba?"

"Yung mga kasamahan mo, kumusta sila? Ba't hindi ko--"

He released a pissed groan. "They're fine. Ayoko silang pag-usapan. Kapag ako ang kausap mo walang ibang lalaki dapat ang tumatakbo diyan sa utak mo. Pangalan ko lang din dapat ang lumalabas diyan sa bibig mo. Pati yang mga mata mo dapat sa akin lang din nakatingin."

"So possessive Mister Joe Ryan Aragon."

"Ofcourse I am. Hindi ko itatanggi para aware ka."

Tipid ko siyang nginitian saka inabot ang kanyang pisngi, marahan iyon hinaplos.

"Nagkausap na ba kayo ng Daddy mo?"

"NO. He doesn't care about me at all."

"That's not true. Mahal ka ng Daddy mo."

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon