Accidentally In Love 30

69 2 0
                                    

RYAN

"I had a plan. I'm not sure if it will really work perfectly, but we had no any other choice."

We were in Brgy Cabana. Kinahapunan na lang ang napagpasyahan naming magkita-kita pagkahatid ko kay Aish sa bahay; sina Engineer and Rammel na kasa-kasama nito lagi, Nixon aka Burnok, Jerald aka Jed, Jorge aka Jojo, Boy Lado, Obet, Otoy, at si Atom.

"What is it?" tanong ni Engineer.

"Tatawagan ko si Uncle. Kailangan idaos natin ang fiesta--"

"Tol," sabad ni Atom. "Baka nakakalimutan mong mahigpit ipinagbabawal ni Amo ang pagdaos ng anomang okasyon dito sa Isla."

"Nagliliyab sa galit si Amo kapag nagtitipon-tipon ang mga taga isla Tol, FYI." sigunda ni Otoy.

"Siguradong mabubulabog ang buong Isla Quoral sa naiisip mong yan, Fabio." dagdag ni Obet.

"Exactly my purpose." sagot ko. "Lumuwas ng Manila si Amo pati si Bryce. Tingin ko may kinalaman ang lakad ni Amo sa transaction na nakita namin ni Atom sa Rest House sa Poblacion. And that Bryce maybe ha-hunting-in niya yung kabit niyang si Monique dahil sa ginawa nina Moana at Misha. Walang magbabantay kaya sasamantalahin natin ang pagkakataon. My plan is idadaos natin ang festival sa isla Quoral. Paiimbitahan ko kay Uncle ang mga Kapitan sa karatig na Isla."

"Tapos?" sabay-sabay pa nilang tanong.

Tiningnan ko sila isa-isa. "Pupunta kami nina Otoy at Atom sa Poblacion para alamin at iligtas yung mga kadalagahan na nawawala. Kayong dalawa Engineer and Rammel kausapin niyo yung mga bumaliktad na tauhan ni Amo. Siguraduhin niyong sila ang magbantay mismo sa isla Quoral sa araw ng Festival. Ikaw Obet tawagan mo si Ayan at iba pang kasamahan niyo, ready all the weapons we need. Ikaw Lado as usual spy ka. E-report mo sa akin lahat ng marinig at makita mo with matching evidence." binalingan ko sina Nok, Jojo and Jed. "Kayong tatlo, kayo ang back-up namin, so you have to be more attentive. Secure us at all costs. They're well equipped and probably had well trained snipers. Alam kong kaya niyo silang tapatan. With this plan tiyak susugod si Amo dito sa isla."

"Teka Fabio, parang--"

"Hindi pa ako tapos." sabad ko kay Lado.

Kaagad naman itong siniko sa tagiliran ni Otoy at nanahimik sa gilid.

"Kikilos tayong lahat sa gabi starting tomorrow night; discreetly. Siguraduhin niyong walang papalpak. Gabi bago ang festival dapat nasa kanya-kanya na tayong pwesto." binalingan ko si Obet. "Bigyan mo kami ng kanya-kanyang radio bukas."

"NOTED."

"Then sa araw mismo ng festival saka tayo susugod. Magpasabog kayo ng bomba sa mga itinanim natin sa iba't ibang karatig na Brgy to distract them. Para magkaroon kami ng sapat na oras para mailigtas ang mga dinukot ng mga tauhan ni Amo. That's the main purpose of this plan; to rescue those innocent ladies. Subrang higpit ng security sa Poblacion pa lang kaya mahirap pasukin without distraction. Kailangan mabulabog ang mga tauhan ni Amo and him itself."

"Paano yung mga tao sa Brgy na pasasabugan namin ng bomba?" tanong ni Rammel. "Hindi kaya sila mag-panic niyan?"

"Ipapakausap ko kay Uncle lahat ng Kapitan ng Brgy para matimbrehan silang lahat na walang lalabas ng bahay para walang masaktan na civilian."

"Ok--"

"Tapos?"

"Sa isla Quoral na tayo magkita-kita. Tiyak doon unang susugod si Amo dahil sa festival. Ako mismo ang haharap sa kanya."

"Magpapakilala ka na sa kanya?"

"Nababaliw ka na ba?"

"Hindi pwede Fabio delikado!"

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon