Accidentally In Love 18

66 0 0
                                    

RYAN

Hindi na ako nagulat nang hindi ko na siya madatnan pa paglabas ko ng banyo. Dumeritso ako sa walk in closet saka nagbihis. Black Jagger pants and black fitted shirt matching with my black rubber shoes. I took a black cap and a gun in my drawer. Nilagyan ko iyon ng silencer at isinuksok sa likod ko saka ko sinuot ang itim kong jacket.

Natigilan pa ako ng makita kong maayos ng nakatupi sa ibabaw ng sofa yung damit kong pinagtatapon kagabi doon sa elevator pati yung shoes ko. And reminiscing our wild lovemaking made me confused even more.

Ganun niya ba kamahal ang Bryce Morales na yun para ma-trauma siya ng ganun katindi? E ako nga iniwan ng bride ko nang dahil sa kanya naka-move on ako agad siya pa kaya na niluko lang ng g-gong ex-bf niya? Ang unfair naman yata na 'di niya maalala yung ginawa niya sa araw mismo ng kasal ko.

Sakay ng elevator nagtungo ako sa opisina ko. Kinuha ko yung files na nasa brown envelop na nakapatong doon saka muling lumabas. Dumeristo ako sa kotse ko sa basement.

"May nakita akong mga tauhan ni Lewis na nag-aalialigid sa paligid kanina pa," bungad ni Third na nakaupo sa driver seat. "May nakasunod din kay Miss A sabi ni Ace."

"Alam ba ni Colt?"

"Yes."

"Puntahan natin sa tagpuan si Mutya."

"Why? Akala ko makikipagkita ka kay Boss Keith at sa Daddy mo?"

"Later. Unahin natin si Mutya. May nakalap na siyang info tungkol sa totoong pagkatao ni Cristal."

Kaagad niyang pinaandar ang kotse at nilisan ang lugar.

Kalahating oras din ang itinagal ng byahe namin. Pinahinto ko ang sasakyan 'di kalayuan sa water refilling station.

"Dito ka lang. Saglit lang ako."

Inayos ko ang sumbrerong suot ko at bumaba ng kotse. Pumasok ako sa makitid na eskinita. Apat na pasikot-sikot na daan ang dinaanan ko bago ko narating ang dalawang palapag na bahay. Kinatok ko ng dalawang beses ang itim na gate.

Kaagad iyon bumukas. Nagulat pa ako ng may biglang humatak na kamay sa akin papasok.

"Surprise!" masiglang boses ni Mutya.

Napatingin ako sa mesang puno ng iba't ibang putahe ng pagkain. Merong malaking cake sa gitna, bottle of wine at dalawang goblet. Mukhang pinaghandaan niya ang pagparito ko.

Walang ekspresyon ang mukhang binalingan ko siya. "What is this all about, Mutya?"

He sweetly smiled then gave me a gift wrapped in a fancy paper. Sinulyapan ko lang iyon saka nag-angat ng tingin sa kanya.

"Happy Birthday, Ry. Dapat kahapon ko pa 'to ginawa kaso sabi mo may lakad ka so--"

"Hindi ka man lang ba na-inform na never akong nagse-celebrate ng birthday ko and hated it so much na binabati ako?"

"R-Ry--"

"Why are you doing this? May gusto ka ba sa akin Mutya?"

"Isn't it obvious?"

"I don't wanna hurt you but don't fall for me Mutya. 'Wag mong lagyan ng ibang kulay ang kabutihan na ginagawa ko sainyong mag-ina. I'm just helping you because you're part in our group. Kaibigan ang turing ko sayo... like my own sister. Lahat kayo. Pantay-pantay ang tingin naming magbabarkada sa inyong lahat. Alam mo yan."

Mapakla siyang ngumiti sabay iwas ng tingin. Hindi nakaligtas sa akin ang luhang mabilis niyang pinalis. Nilapag niya sa gilid ng mesa ang regalo.

"Kahit kailan ba--"

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon