Accidentally In Love 27

61 2 0
                                    

KATYA

"Tara na Tol,"

Hinawakan niya ako sa bewang habang namamangha pa ring nakatitig sa kanyang mukha.

"Gotta go. Will see you later, babe." aniya sabay baba ng mukha sa akin. Pero mabilis ang kamay na tinulak ko iyon palayo. "Why?" takang tanong niya pa.

"Why wayin mo yang muka mo," galit na asik ko. "Ikaw pala yung Fabio'ng pinag-uusapan nila. Kaya pala," tumango-tango ako. "Hanggang dito talaga dala-dala mo yang pagkapalikero mo e no?"

"What are you talking about?"

"Ano ede-deny mo ngayon sa akin ang totoong dahilan ba't natagalan kang makabalik dito? Ano? Umamin ka. May kinakasama ka ng anak ng Kapitan?"

"Ha?"

"Ano ba yan kaaga-aga--"

"Isa ka pa!" sigaw ko kay Atom. "Araw gabing namuti ang mga mata ko dito kakahintay ng balita sa inyo tapos--"

"Rio!" malakas na boses ng Nanay ni Cath sa labas. "Rio!"

"Ma..?"

"Sisay na deputa ang nagputol digdi kang american rose na tinanom ko?!" (Sinong --- ang nagputol dito ng american rose na tinanim ko?!)

Bigla akong napatingin sa hawak kong american rose na bigay ni Ryan sa aking narinig. Tila armalite na ang nangangalaiti sa galit na boses ng Nanay ni Cath. Nasabon ng todo ang kawawang Rio.

Pag-angat ko ng tingin nakangiwing mukha niya ang sumalubong sa akin. Kaagad umiwas ng tingin. Malalaking hakbang na lumabas ng kusina't nilapitan si Atom.

"Ry--Fabio," tawag ko pero 'di niya ako pinansin. Deri-deritso lang palabas ng bahay. Sumunod ako sa kanya. "Fabio!" sigaw ko na.

Napapakamot sa ulong nilingon niya ako. "Usap tayo mamaya ok. May pupuntahan--"

"Saan mo 'to kinuha?" sabad ko habang pinapakita ang hawak kong bulaklak.

Tinuro niya ang labas. "Nandun na sa tindahan mo si Tiya Luz. Sumunod ka na lang daw--"

"Fabio!"

"Alis na kami ha. I love you!" nag-flying kiss pa siya sa akin sabay layas.

Dismayadong napatampal na lang ako ng kamay sa aking noo.

"Walanghiyang lalaking yun. May pabulaklak-pabulaklak pang nalalaman. Tiyak malalagot ako nito sa nanay ni Cath."

Naghanap akong basket sa kusina. Nilagay ko sa loob ang mga iyon at tinakpan ng damit. Dali-dali akong naligo at inayos ang sarili.

Bitbit ang basket lumabas ako ng bahay. Nila-lock ko na ang pinto ng malingunan ko si Otoy na mabilis ang lakad sa kalsada.

"Otoy!" tawag ko sa kanya.

Kinawayan lang ako nito. Hindi man lang nag-abalang lingunin ako.

Patakbong hinabol ko ito. "Saan punta mo?"

"Wala... diyan lang."

"Asus wala daw. May diyan lang ba na kung makalakad parang may humahabol na sibat?"

"Ganito naman talaga ako maglakad. Ngayon mo lang napansin?"

"Personal mo bang kakilala si Fabio?"

"Himala. Bigla ka yata nagkainteres sa kanya."

"Hindi--curious lang ako sa tsismis ni Cath kahapon."

"Curious saan? Sa itsura or sa mga nanliligaw sa kanya?"

Pinagtawanan ako nito ng marahas kong hinablot ang kanyang braso ngunit mabilis itong nakaiwas sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin... may kinakasama na ba siyang iba o wala?"

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon