Accidentally In Love 51

62 3 0
                                    

JOE RYAN ARAGON

Years passed.

Hinalughog na namin halos buong Pilipinas pero hindi namin mahanap ang bundok Amampili na pinagtataguan ng grupo nina King but luckily we captured Christian Lewis. He's in jail now.

I wonder also if that mountain really exist or if they just created that name of a mountain on their own. Baka pangalan lang yun ng main den nila kaya 'di namin mahanap. Or baka nandun din mismo sa kalakip na Barangay ng isla Quoral ang bundok na yun kaya hirap pa rin namin iyon pasukin. But Mayor Deogracias was so certain that there was no mountain on that island named Bundok Amampili.

Franco Dela Merced were nowhere to be found, too. Bago pa naihain ang search warrant nakalabas na ito ng bansa. Nagkalat ang mga tauhan sa airport pero nakapuslit pa din. Magagaling sila magtago gamit ang maskara at identity ng ibang tao. Napapaisip tuloy ako na baka nga hindi ang totoong Lucas Ricaforte at Marverick Lewis yung mga nakita ko. Baka mga huwad sila.

Misha once said na tatlo ang katauhan ni Amo... hindi kaya siya lang din ang mga yun? Pero sino ang lalaking yun sa likod ng mascara? Kung totoong patay na nga sina Lucas at Marverick, sino ang taong yun?

Based on the report we gathered in our further investigation, that guy Stanley Morales doesn't even exist! All his businesses were named after his late son Bryce Morales, which he never even recognized as his own son in his birth certificate. We can't even track down who's Bryce Morales real mother is. Even Serena can't give us new info about Bryce family background. Pulido ang pagkakagawa ng plano nila. Wala kaming mahanap na butas. And it's confused us big time. Who the hell is he?!

“Hurry up, man!” boses ni James na nakatayo sa labas ng pinto. “Kevin's wedding is about to start!”

“Oo na--kainis. Mauna na nga kayo kung nagmamadali kayo.”

Tinawanan lang ako ng mga ito. Hindi naman ako magkandaugaga sa pagbihis ng mini gown ng six months old baby girl namin ni Aish na si Quesha Amber.

“Ba't kasi hindi na lang si Aish ang pinagbihis mo diyan kay Baby Quesha?” boses ni JM.

“Gusto niya sa'kin bakit ba?”

“Daddy's girl, like my Quiana.” boses ni Keith.

“Ganun din naman sa'kin si Max.” segunda ni JM.

“My baby Gwen, too. Very spoiled.” nakatawang wika ni Wayne.

“Ako wala. Puro prinsipe.” wika naman ni James. “Pero yung bunso ko parang gusto niya yung baby Ayara mo Wayne, bigay mo na lang yun sa'kin.”

“Ano tuta lang? Gumawa ka din ng sayo.”

They all laughed.

Inabot ko ang suklay saka naman sinimulang lagyan ng tali-tali ang kanyang buhok. Lalo nila akong pinagtawanan ng paglaruan iyon ni Baby. Ayaw bitawan.

“Akin na Love. Nagmamadali na nga si Daddy... mamaya ka na mag-play.” kinuha ko sa kamay niya ang ipit with blonde curly hair ngunit nag-iiyak ito. Nataranta naman ako. “Ssshhh... ssshhh don't cry,” nilingon ko ang apat na tawang-tawa sa'kin. “Baka pwede niyo akong tulungan mga bwesit kayo.”

They laughed even more.

“Bro,” boses ni Migz. Naglalakad ang mga yabag palapit sa kwarto. “Where's Ry? Kanina pa kayo hinihintay--”

“Daddy!” boses ni Reuben na bigla na lang sumulpot. “Kanina pa po kayo hinihintay ni Mommy.”

“Malapit na po kamo matapos. Where is she?”

“Nandun na po silang lahat sa dalampasigan. Pinapasundo na po kayo saamin ni Tito Migz.”

“OK. Tell your Mommy pababa na kami.”

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon