Accidentally In Love 14

82 2 0
                                    

I almost bit his lips when his hand landed in my chest. Marahan iyon na pinisil.

He released my lips for a sec to gasp some air then sealed it again.

"R-Ryan... they're moving," I whispered in between his kisses when I heard the series of horn behind us but he seems like... unstoppable.

Iniwas ko ang aking mukha. Bahagya siyang itinulak palayo ng maging impatient na ang naririnig kong pagbusina pero lumipat lang ang kanyang mga labi sa aking panga, pababa sa aking leeg.

"Ryan--ano ba!" singhal ko ng hindi pa rin siya tumigil.

"What?"

"Anong what? Paandarin mo na ang kotse."

Nayayamot na nilingon niya ang likuran ng sasakyan namin na lalong dumami at lumakas ang busina; may kasama ng sigaw ng mga tao.

"Mga istorbo. Kung nagmamadali sila ba't 'di na lang sila lumipat ng ibang kalsada?"

"At saan sila sa tingin mo dadaan ha? Siraulo ka ba?"

"Yeah, malapit na."

Umayos siya ng upo saka mabilis na pinasibad ang kotse. Nanatili akong nakatitig pa rin sa kanyang mukha. His aura getting darker; looks like he's really pissed. Nahihiwagaan na ako sa mga ikinikilos niya.

"Don't stare me like that as if you want me to make love to you right where you are."

Namula ang aking mukha sa sinabi niya sabay iwas ng tingin. Itinutok ko ang mga mata sa unahan. I unconsciously gulp. Sumalimbuyo ang aking puso. Lalo akong linukuban ng hiya. Ano na ba 'tong nangyayari sa akin?

Namayani ang katahimikan.

Maya-maya nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Binalingan ang car stereo niya. Gusto kong e-divert ang pagkailang na nararamdaman ko.

"C-Can I open the stereo--"

"NO." mabilis na sagot niya.

I frowned. "Why not?"

"'Pag sinabi kong NO, it's a NO; BAWAL. So don't push it, Aishleen."

Lalong nagdugtungan ang mga kilay ko. I parted my lips in confusion. Examined his face if he's serious but. . . unfortunately he is.

"Ang damot mo naman. Magpapatugtog lang."

May inabot siya sa dashboard. Binato niya iyon sa akin. Sapol ang aking mukha sa gulat.

"Yan, mag headset ka. Gamitin mo ang cellphone mo."

"Walang music--"

"May youtube."

"Duh, walang akong load--"

"Tinawagan mo ako kanina kaya 'wag kang magsinungaling diyan."

"Kapal ng mukha mo, ba't naman kita tatawagan?"

"I don't know. You were talking to me on the phone like an idiot down the hallway."

Talking to him on the phone like an idiot down the hallway...

Ulit ko pa sa aking utak saka nagmamadaling kinuha ang cellphone sa loob ng purse. Tiningnan ko ang recent---inay! Napangiwi ako ng makita ko ang unregistered number niya sa call log ko.

"Anong ginagawa mo doon? Did Mr. Dela Merced ditch you?"

"Oh," alanganin akong tumawa. "Kaya pala nandun ka--"

"Hinanap mo si Franco?" sabad niya.

"Hindi," aniko sabay bukas ng stereo para lang matigilan sa aking narinig.

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon