Accidentally In Love 10

82 2 0
                                    

"Aish..?"

Untag sa akin ni Kuya pero nanatiling nakatutok lang ang aking nagtatanong na mga mata sa lalaking kasama nitong matiim na nakipagtitigan pa sa akin. Looking dangerous, domineering, intimidating and dashingly handsome at the same time with his two piece suit on.

Lahat ng uri ng kapangyarihan makikita sa panlabas na anyo niya na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko simula ng magkrus ang landas naming dalawa. Katangian na kailan man 'di ko inisip na maaaring taglayin ng lalaking laging nakasunod at bigla na lang sumusulpot kung saan man ako pumunta. And the way his eyes examining me from head to toe and back as if I'm the peculiar species he've ever seen in his entire life sent chills into my nerves down to my spine.

No doubt he's the father of my two years old son Dan Reuben. Halos lahat nakuha sa kanya maliban sa kulay ng balat. At kung nakakapanindig balahibo ang presensya niya, nakakatunaw naman ng puso ang presensya ng anak ko. Ngiti pa lang no'n nagliliwanag na ang paligid ko samantalang ang ngiti ng kanyang ama na laging may kalakip na sarkasmo ay kasapaksapak pero may kaakibat na mainit na kamay na humahaplos sa puso ko. Ang bukod tanging lalaking pumupukaw ng kakaibang init sa aking buong katawan, nang galit na 'di ko mawari kung saan nanggaling at kalituhan ng puso't isipan. The passion that turns to anger and end up to confusion and back. And it scares me!

But seeing him now in flesh; standing in front of me like a mighty king, a greek God; dancing with mixed emotions on his blazing eyes gave troubles inside of me. Butterflies bouncing everywhere in my stomach. Strong urge pushing behind my back na para bang gusto kong takbuhin siya at lamukusin ng halik hanggang sa dumugo ang kanyang mga labi. And make love to him till dawn---fuck! What the F--- I'm thinking? I must be out of my mind!

"Did you two know each other?"

Napakurap-kurap ako ng makita kong tumaas ang gilid ng labi ni Ryan. Habang si Kuya nakakunot noong nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"H-Ha?"

"I said did you know my bestfriend Ryan?"

Tiningnan ko si Kuya. "Ma-Magkaibigan. . ," muli kong nilingon si Ryan. "...kayong dalawa?"

"Yes."

"Aww--Fuck!" malakas na daing ko sabay hawak sa daliri kong naipit nang pabagsak kong naisara ang pinto ng ref matapos kong marinig ang sagot ni Ryan.

"You ok?" nag-aalalang boses ni Ryan na sa isang iglap ay nasa gilid ko na.

Hinawakan niya ang kamay ko. Nanulay ang kuryente sa pagdaiti ng mainit niyang palad sa balat ko. He's manly scent and expensive perfume assaulted my nose. Parang gusto kong mapapikit sa bango at init ng kanyang katawan na dumikit sa aking braso. Nanghihina ang aking mga tuhod. Nagpapalpitate na rin ang tibok ng aking puso. Animo'y kabayong natutulog ng matagal na panahon at biglang nagulat at napakaripas ng takbo sa lakas ng hampas sa loob ng dibdib ko. Hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto niya sa akin sa muli naming pagkikita.

Oh how I hate this man so much!

But why the heck I felt like. . . parang na miss ko siya?

Parang gusto ko siyang yakapin?

Parang gusto kong pumaloob sa mga bisig niya at the same time?

This is insane!

Hinatak ko ang kamay kong hawak niya.

"E-Excuse me." tanging nasabi ko sabay karipas ng takbo palabas ng kusina.

"Teka Aish--!" narinig kong tawag sa akin ni Kuya pero 'di ko na siya pinansin pa.

Muntik ko pang mabangga sa pagmamadali ko si Kuya JM na papasok din sa loob.

Dumeritso ako sa hardin 'di kalayuan sa likod ng bahay. Habol ang hiningang napahawak ako sa aking dibdib. Sumandal sa katawan ng malaking puno. Mariin na pumikit. Tumingala sa itaas. Pinuno ng hangin ang dibdib at malalim na nagpakawala ng buntong hininga.

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon