Accidentally In Love 4

82 2 0
                                    

AISHLEEN

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ace at sa labas ng kotse. . sa security agency building na pag-aari kuno ng boss niyang nanapak sa kanya. Naka-park ang kotse namin 'di kalayuan.

"Sigurado kang diyan ka galing?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Why? Am I too handsome to be a part of that company?"

"Tss." I rolled my eyes. "You're an art of shit. Don't you know that?"

"Oh, you disagree? Bakit, mukha ba akong pipitsuging bodyguard lang sayong paningin?"

"Mukha kang mamamatay tao." ani ko sabay bukas ng pinto ng kotse at bumaba doon.

"What the--saan ka pupunta?"

Nakangising nilingon ko siya. "Ayaw mong sabihin sa akin kung anong dahilan ng boss mo ba't ka sinapak so ako na mismo ang aalam."

"T'ngna," frustrated na mura niya. "Ang usapan natin sisilipin mo lang 'yong building. Wala kang sinabi na susugod ka sa loob. Ganun ka ba talaga ka childish para usisain pa ang tungkol doon?"

"Childish?" mapakla akong tumawa. "Sinapak ka ng dahil sa akin tapos sasabihin mong childish na usisain ko kung bakit? Natural lang 'yon diba?Involve ako. Tsaka hindi ko kilala ang pontio pilatong 'yon para sabihin mong ako ang dahilan." dinuro ko siya. "Oras na malaman kong pinaglululuko mo lang ako, tanggal ka na sa trabaho. At isa pa, kating-kati na akong mapalayas ka as my bodyguard kaya chance ko na 'to. Gets mo?"

"Fuck--hindi mo kilala ang ugali ng boss ko!"

"Pwes kikilalanin ko nga diba?" sabay talikod.

"T'ngna, Miss A!" galit na tawag niya sa akin.

I heard him cursed many times too pero 'di ko siya pinansin. Deri-deritso lang ang lakad ko papasok sa loob ng building.

Maganda. Maaliwalas. Elegante. Yun ang tatlong depinisyon ko sa aking nabungaran. Maraming lalaking vitamins sa mata. Marami ring babaeng pumuwing sa aking mga mata. All their eyes darted on me. Tila sila nakakita ng artista. Gulat. Nanlalaki ang mga mata. Laglag ang mga panga.

'Di ko alam kung matutuwa ba ako or maiilang sa reaksyon nila. Para kasing kilalang-kilala nila ako e. Nagtinginan sila. Nagbulungan tapos biglang nagsipagkulasan. May napatakbo pa sa kung saan. Ang weird nila.

"Yes, Miss A?" nakangiting bungad ng babae sa front desk hindi pa man ako makapagsalita.

"Ki--Kilala mo ako?"

"OO--Ayy. . ," napakunot-noo ako ng makita kong siniko ito ng katabing babae. "Regular po dito Madam ang kapatid niyo si Sir Keith."

"Si Kuya?"

"Yes po Madam."

"Where's the owner of this agency? Pwede ko bang--"

"How may I help you, Miss A?" wika sa likuran ko ng baritonong boses.

Marahas ko itong binalingan.

Matangkad. Macho. Gwapo. Seryoso ang mukha. Nanunuri ang mga mata. Kung sabog-sabog ang buhok ni Ace, ang lalaking kaharap ko naka-army cut. Muli kong iginala ang paningin sa paligid. Vitamins nga talaga sa mata. Siguro kung dito ako magtatrabaho araw-araw akong busog, lilinaw pa lalo ang mga mata ko.

Nag-angat ako ng tingin sa lalaki. "Ikaw ba si Ryan?"

He froze. He even shifted on his feet. Same reaction ni Ace no'ng tanungin ko kung nakita niya 'yong lalaking laging nakasunod sa akin na pumasok ng Break Bar. Pero kaagad din itong nakabawi. Then cleared his throat.

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon