Accidentally In Love 36

58 3 0
                                    

THIRD PERSON's POV

KING

"Nabuko na nila tayo King." nagpapabalik-balik ng lakad na wika ni Joaquin. "Nabuwag na rin ang dalawang grupo natin. Yung anak kong si Clark napatay na nila, pati si Bryce. Si Stewart hanggang ngayon nawawala or baka patay na din siya. Last na usap namin no'ng nasa Poblacion siya. Mismo no'ng araw na nakatakas yung mga bihag na kadalagahan sa minahan. Pero pinahalughog ko na ang lugar na yun, walang bangkay ni Stewart na natagpuan."

"Nag-aagaw buhay din si Christian." segunda ni Xandro. "Halos lahat ng tauhan natin naubos na sa huling engkwentro nila sa Batangas. Ano ng gagawin natin?"

"Tumawag ka sa States at Italia," wika ko kay Joaquin. "Balaan mo silang mag laylo muna. Ipagpaliban yung shipment at iba pang transactions. Kausapin mo din yung mga tauhan natin na gumawa silang paraan na mapalabas na namatay si Amo; like plane crash, ganun. Make sure na malinis ang pagkakagawa at mapalabas sa media. Idawit niyo ang pangalan ni Rald James Gonzalvo at El Salvador."

"Ikaw Xandro," baling ko dito. "Ipaligpit mo na ang dapat iligpit bago pa tayo ilaglag. Unahin mo sina Chief Coralde at mga kasamahan niyang pulis."

"Nagawa ko na, King. Namatay sila sa riot sa loob ng kulungan."

"Good... Tumawag ka sa Binondo. Sabihan mo silang magpadala ng mg tauhan dito."

"Right away, my King." tumalikod ito at may kinausap sa cellphone.

Tiningnan ko si Joaquin na problemado. Dinampot ang baso ng alak at mabilis iyon tinungga.

"Ba't hindi mo pa tinutuluyan yang El Salvador at Ramos na yan? Wala naman silang pakinabang. Wala tayong makuhang info sa kanila. Pati yung iba pa nating bihag. Kailangan na silang edispatsa sa lalong madaling panahon."

"We still need them. Hawak na ni Gonzalvo yung blue book at diskette."

Marahas niya akong nilingon. "Sinong may sabi?"

"Si Joe Ryan Aragon."

"Do you believe that moron?" he scoffed, then shook his head many times. "Kilala ko si Gonzalvo. Kung hawak niya talaga ang mga yun matagal na tayong burado dito sa mundo." mariin niya akong tinitigan. "Nakalabas na sana lahat ng sekreto mo, sekreto nating lahat! Pinagpipyestahan ka na din sana sa media, ang lahat ng kasapi ng grupo natin hindi lang kami ni Xandro. Maniwala ka, pinaglululuko ka lang ng Aragon na yun. Wala silang hawak, King!"

"'Wag kang pakasiguro. Tuso ang Gonzalvo na yun, buong grupo nila. Malamang may niluluto na silang plano laban sa atin," tiim bagang na tinanaw ko ang malawak na kagubatan. Sumimsim ng alak sa hawak kong goblet. "Hindi sila kagaya ng grupo ng mga magulang nila. Pinaikot na natin lahat-lahat si Gonzalvo at private investigator nila para mawasak sila ngunit tingnan mo ang nangyari..." too much anger surge into my vein. Humigpit ng humigpit ang kamay ko sa goblet. Hindi ko binitawan hanggang sa mabasag iyon. Sumirit ang hapdi sa kamay ko, tumulo ang dugo pero mas nangingibabaw ang subrang galit sa puso ko. "Buo pa rin sila. Tayo ang napaikot nila!"

"King!"

Sabay kaming napalingon sa humahangos na tumatakbo palapit saamin na tauhan ko. Kaagad inabot sa akin ang hawak na cellphone. Kunot-noong napatitig ako sa screen niyon.

"Ano 'to?"

"May grupo ng mga 'di kilalang armadong kalalakihan ang sumugod sa minahan. Natangay lahat ng bihag. Buong minahan binomba pa nila. Wala ni isang tauhan natin ang natirang buhay."

"Pa'no mo nakuha ang video na 'to? Kanino galing? Ba't 'di namin nabalitaan ang nangyari--ba't dammit! Ba't ngayon mo lang 'to pinakita? Kailan pa 'to?"

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon