Accidentally In Love 49

55 2 0
                                    

JOE RYAN ARAGON

Nakaalis na ang chopper pero tulalang nakatanaw pa rin ako sa dinaanan nito. Tila ako natuklaw ng ahas at unti-unting lumalaganap sa buong katawan ko ang kamandag. Unti-unti kinakain ang buong lakas ko. Unti-unti akong nanghihina. Unti-unti akong bumagsak. Napaluhod sa lapag. Pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan. Hindi alam kung ano ang iisipin sa aking nakita.

Napasabunot ako sa aking buhok. "Buhay siya? Buhay ang Daddy ni Christian? Buhay si Marverick Lewis? Pa'no nangyari yun? Bakit buhay pa sila?" muli kong tinanaw ang kalangitan sabay mura. "But I saw him with my own eyes! Hindi ako maaaring magkamali, si Marverick yun. Siya ang nakita ko! Pinatay nila si Farehn dahil--"

"Bro!"

"Ryan!"

"Boss!"

"What happened? Nasaan na yung grupo ni Morales? Ba't mo hinayaang makaalis?" sunod-sunod na tanong ni James habang nagpapalinga-linga sa paligid.

Naguguluhan pa rin na tinitigan ko sila isa-isa sabay tayo.

"OK ka lang ba?" kunot-noong nilapitan ako nito sabay hawak sa braso ko. "Nanlalamig ka."

I gulped hard the lump in my throat before I managed to find my voice. "Si... M-Marverick Lewis. . . I saw him with my own eyes." it came out so softly in my lips.

Sa subrang hina halos 'di ko marinig. Pero namilog ang kanilang mga mata sa sinabi ko. Hindi ko lang inaasahan yung ibinulalas nila.

"Nagpakita yung multo niya sayo??!" sabay-sabay pang bulalas nila.

I clicked my tongue. "Nasa control room si Con diba? Hindi man lang nakita si Marverick sa monitor?" nagpalinga-linga ako sa paligid saka tinuro ang CCTV camera. "Halos buong building may CCTV--"

"Bigla na lang namatay yung mga monitor no'ng hinahabol mo na sina Farehn," sabad na boses ng bagong dating na si Connor.

Marahas ko itong nilingon. "What do you mean bigla na lang namatay yung mga monitor?"

"We need to leave this place ASAP. May kailangan din kayong makita sa baba." sabay talikod.

Nagkatinginan kami. Nagkibit-balikat si JM saka humakbang palabas. Nagsipagsunuran naman kami sa kanya.

Kung kanina halos makalimutan kong huminga ngayon naman galit ang lumukob sa akin ng makita ko ang babaeng kinamumuhian ko sa buong buhay ko pagkababa namin ng ground floor. Tinuro ko iyon kay Nixon.

"Anong ginagawa ng pangit na 'yan dito? Don't tell me..."

Nakakalukong humalakhak si Madam Baby. Nakaposas ang mga kamay nito. Maraming pasa sa mukha, mga braso, at putok ang mga labi. Yung mga kababaihan na natanaw ko sa labas nag-iiyakan sa tabi ng police mobile, nagpapainterview. Galit na galit, pangalan ni Lucas Ricaforte ang isinisigaw. Humihingi ng hustisya. Pinagkaguluhan iyon ng mga reporter, dinudumog na. Todo naman sa pagharang ang mga pulis.

"Kung makapangit ka naman sa akin akala mo naman wala tayong pinagsamahan--"

"Wala talaga!" gigil na sabad ko dito. "Akala ko pa naman tumigil ka na ng pinasara namin yung Sports Club and Restaurant mo pero hindi pala... mas tumindi yung kapal ng mukha mo. Na-expand yung level mo. Grabe, iba ka rin. Mafia group pa talaga ang kinapitan mo or sadyang miyembro ka na nila matagal na."

Madam Baby sarcastically laughed again. "Kung hindi dahil sa club ko hindi mapapangasawa ng John Wayne na 'yan ang pokpok na Samantha--"

Umiigting ang pangang dinuro ito ni Wayne. "Watch out your fücking mouth. Baka makalimutan kong matanda ka."

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon