Accidentally In Love 47

60 2 0
                                    

JOE RYAN ARAGON

Puro disqualified at walang nananalo dahil sa pandaraya ni Nixon at ibang kalahok. Mas natutuwa sila sa kalukuhan na pinanggagagawa nila, kabilang na ako doon na ilang ulit din na-disqualified. Tila walang pakialam sa premyo na umabot na ng hundred thousand sa kakapatong sa susunod na game.

Hanggang sa last game na bugtong-bugtong ni Aish na...

“Out of the eater came something to eat; and out of the strong came something sweet.”

Iwan kung saang lupalop niya naman 'yun nakuha.

At first; akala ko niluluko niya lang kami kasi kahit sina Dad hindi nila mahulaan. But then again, Tiyo Emer answered it right...

“May tatamis pa ba sa pulot-pukyutan? At may lalakas pa ba sa leon?”

“OMG--kilala niyo po si Samson?” bulalas ni Aish.

Nakangiting tumango naman si Tiyo Emer na ikinagalak lalo ni Aish.

“Yun! Si Samson,” wika ni Dad. “Delilah yung pumapasok sa utak ko.”

“Ex mo, Raymond?” kantiyaw ni Tito Fernan.

“Shut up!”

They all laughed.

“Since si Tiyo Emer po ang nakahula, the hundred thousand grand prize goes to Tiyo Emer!” anunsyo ni Aish. Palakpakan naman ang mga tao at kinunggratulate ito. “Please come forward po Tiyo Emer, to receive this cash.”

“Naku hindi na--”

“Ayy hindi po pwede,” sabad ni Aish sabay lapit dito at inabot ang napanalunan pero ayaw pa rin tanggapin iyon. Sapilitan ng isinuksok ni Aish sa bulsa nito. “Maya na natin ipagpatuloy ang kasiyahan, for now, budol fight muna tayo. Tiyak gutom na ang lahat.” nilingon niya ako habang tinuturo sina Kevin na inaayos na ang mga pagkain sa ibabaw ng dahon ng saging, nakalatag iyon sa ibabaw ng pinagdugtong-dugtong na flexi matt sa buhanginan. “Pakitulungan naman po sila, please, para makakain na tayo.” kaagad kaming tumalima. Niyuko niya si Tiyo Emer. “Kwentuhan niyo po kami about kay Samson, mukhang limot na nila ang tungkol doon e.”

“OO naman.”

Kunot-noong nilingon ko si Atom. “Sinong Samson ba yun?”

Atom chuckled. “Selos ka naman agad. Sa Bible yun.”

MATAPOS maayos ang lahat ng pagkain, tinawag na namin sila. Nagkanya-kanya silang umpukan. Syempre meron ding separate na pwesto para sa mga bata na binabantayan nina Jillian at Muriel. Nakigrupo din sa kanila si Sam at lahat ng Yankee Bar spy girls namin, may kanya-kanyang bulilit na sinusubuan. Yung anak kong si Reuben as usual nakakalong kay Mateo na nakangising nakatingin sa akin, si Aish naman sumiksik sa gitna nina Tiyo Emer at Tiya Luz. Ang daming tanong tungkol kay Samson, pati kay Moises, Elijah, Hosea, Jonah, Daniel, at marami pang iba. Pati sina Dad ang dami ring tanong.

Hanggang sa nag-bible study na sila.

Napatingin ako kay Nixon na kumalabit sa likuran ko.

“Problema mo?”

“Control room.”

Napalinga ako sa paligid. Nagsisenyasan na sila gamit lang ang mga mata. Paisa-isang umalis, may pumapalit sa pwesto nila na ibang tauhan na may bitbit na bagong pagkain. Walang nakahalata, tuloy lang ang kainan, tanungan at kwentuhan nila.

Tumayo na rin ako ng tahimik na nakaalis na ang mga kaibigan ko, bitbit ang malaking bandihadong wala ng laman. Dumeritso ako sa control room. Naabutan ko silang nagtatawanan, nagkakantiyawan habang kumakain. Hindi maka-move on sa palaro. Nagisa ng todo si Nixon.

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon