Accidentally In Love 43

49 3 0
                                    

AISHLEEN

"Ritz..."

"Yes po, Ate?"

"No'ng araw na dumating dito sina Ry, sino yung Doctor na tumingin sa Kuya mo?"

Kasalukuyan kaming nasa kusina. Maaga akong nagising para magluto ng agahan. Wala sina Mama, nasa Palawan sila. Kami lang naiwan, maliban sa mga tauhan sa labas. Si Ry, himbing na himbing pang natutulog.

It's been a week simula ng paghinalaan ko siya sa mga ikinikilos niya. Hanggang ngayon naghihinala pa rin ako. Pakiramdam ko may tinatago siya sa akin. Pero hirap akong hulihin siya.

Subrang high-tech pa ng bahay. Akalain mong may hidden elevator sa likod ng pader na nasa malaking hagdanan papunta sa kwarto namin. Deritso daw iyon sa rooftop.

"Bakit po, Ate?"

"Nag-aalala lang ako sa Kuya mo."

She sighed. "Si Kuya Elvis po. Tapos yung dalawa pang Doctor galing States sina Doc Adams and Doc Mason, plus yung physiotherapist na kaibigan daw po ni Kuya Migz; si Mr. Baron."

"Totoo bang pinalayas sila ng Kuya mo or--"

"Ayokong ilaglag ang Kuya ko pero ayoko namang magkagalit kayong dalawa nang dahil do'n. So, will tell you the truth." sabad niya. "Umuwi na sila sa kanila kasi totally healed na po si Kuya at yung mga kasamahan niya."

"M-Meaning--"

"Yes and Yes." lumingon siya sa labas ng kusina saka alanganin akong tiningnan. "Ako ng humihingi ng sorry sa paglilihim sayo ni Kuya."

"So... nakakalakad talaga siya?"

She bit her finger nails then nodded. "Maraming-maraming sorry po talaga, Ate."

"Alam mo ba ang reason niya kung bakit kinailangan niya pang magpanggap sa akin? Sinabi niya man lang ba sa inyo?"

"Yes po. He said he's only doing that for your own safety. Iniiwas ka lang daw niya sa kapahamakan. Natatakot siya na kapag nakita mo yung laman ng USB na binigay sayo ni Misha baka malagay ulit sa alanganin ang buhay niyong mag-ina niya. He knows na hindi ka titigil hanggat hindi mo nakukuha ang hustisya sa nangyari sa mga kaibigan mo."

"Kaya naisipan niyang maglumpo-lumpuhan na lang para manatili ako sa tabi niya't hindi lumabas ng bahay?"

Muli siyang tumango.

"No'ng araw na nagpabalik-balik ako do'n sa labas ng Library at hindi niya ako pinagbubuksan ng pinto... nandun ba talaga siya sa loob?"

Umiling siya. "Umalis siya sabi ni Colt. Susunduin sana nina Kuya Ry si Scarlet sa kulungan no'ng araw na yun pero sabi ni Colt inasikaso na daw lahat nina Kuya JM bago pa nakarating si Kuya sa Manila."

"Nakalaya na si Scarlet?"

"Yes po. Actually lihim silang tinulungan nina Kuya Ry na makalabas ng bansa. Hiniling daw yun nina Scarlet, balak nilang maghiganti sa grupo nila."

"Sinabi yan lahat sayo ni Colt?"

"I blackmailed him kaya napaamin ko siya. Inalam ko talaga lahat ng galaw ni Kuya--I mean yung importante lang at related sayo. Yung confidential kahit anong piga ko sa kanya..." umiling siya. "...waley."

"Thank you, Ritz."

"Hindi ka po galit, Ate?"

"Ba't naman ako magagalit?"

"Wala--I mean naglihim sayo si Kuya. I heard niluko ka dati ng mga kaibigan mo kabilang na doon yung ex-boyfriend mo. Tapos ngayon--"

"Iba yung noon sa ngayon." sabad ko. "Yung ginawa ng mga kaibigan ko intentionally talagang panluluko sa akin, the rest have a reason too why they did that to me. Pero yung Kuya mo inisip niya lang ang kaligtasan ko... kaligtasan naming mag-ina. Naiintindihan ko ang dahilan niya."

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon