Accidentally In Love 7

98 2 0
                                    

AISHLEEN

"Wooooo! C'mon Kate! Bottom's up!"

"Show your jerk boyfriend that you're happy to be single again!"

Buyo sa akin ng mga kaibigan kong sina Scarlet, Rhiana at Zoey kasama si Zephanie.

Two shots at a time. Ginawa kong tubig ang tequila. Halos hindi ko nga malasahan ang pait. Naghihiyawan ang mga kaibigan ko kaya napapasabay din ako sa kanila. Pero deep inside nadudurog ang puso ko sa panggagago ng babaero kong jowa--NO... EX BOYFRIEND na pala.

That scumbag accused me all the time that I'm cheating on him! Tapos ngayon malalaman ko siya pala itong nambababae. Ang masaklap sa bestfriend ko pa! Tapos ang matindi sa lahat may asawa siya at kaaway ko pa! T'ngna nilang lahat! Mga baboy!

Kinuha ko ang panlimang shot ng tequila at kaagad iyon nilagok.

"Fucking shet!" nakataas ang dalawang kamay sa ere na sigaw ko.

Pinagtawanan nila ako. Pagtingin ko sa kanila bigla silang nagkaroon ng kakambal!

"Okey ka lang ba Kate?" nag-aalalang tanong sa akin ni Zephanie, kaibigan ng bestfriend kong si Scarlet.

Sinama daw niya kasi bored sa bahay. I just shrugged my shoulder. Mas maganda nga 'yon e. The more the happier!

"Ofcourse! Hindi pa ako lasing... Ako pa ba?!"

"That's my baby girl!" nakangising kinurot pa ni Scarlet ang pisngi ko.

Napuno ng tuksuhan, hiyawan at kapwa pa kami napapasayaw sa tabi ng lamesa namin sa loob ng Yankee bar. It was one of the famous elite bar here in Makati. I was hook with this place the first time I went here together with my friends; Scarlet, Serena, Zoey, Catleya, Rhiana. Na tuluyan ng naging others 'yong dalawa. My bff who turns to be my mortal enemy.

In fairness, makakalimutan mo talaga ang problema sa loob ng bar na 'to. Ang wa-wild ng mga tao. Na-miss ko tuloy ang night life sa US. Mas malala doon. Makakakita ka ng live na mga naglalampungan mismo sa gitna ng dance floor pati sa sulok-sulok. Lalo na sa hallway papuntang CR at mismong loob no'n. Maingay ang buong paligid. Maharot ang malakas na tugtog. Sari-saring amoy ang masisinghot mo. Buhay na buhay at walang pakialam sa nangyayari sa mundo. Tanging masasaya at high na high na mga mukha ang makikita mo sa paligid. In short, abot langit ang panandaliang saya!

Ilang minuto pa ang lumipas ng umikot na ang paligid ko. Napahawak ako sa edge ng mesa. Napaigtad pa ako ng may biglang pumulupot na braso sa bewang ko. Marahas kong nilingon ang matangkad na lalaking bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

"You're so gorgeous baby... wanna have some hot night with me?" he whispered in my ear.

Nanuot sa balat ko ang init ng kanyang hininga but I hate the smell. Kaagad kong kinalas ang mga braso nitong nakapulupot sa akin saka malakas na sinampal.

"You... maniac!" dinuro ko ito. "'Wag mo akong mahawak-hawakan ah! Hindi tayo close!" sigaw ko sabay alis sa aming mesa.

Pinigilan pa ni Zephanie ang braso ko pero kaagad niya rin iyon binitawan ng makita niya ang galit sa aking mukha. Nagtaka pa ako ng marinig ko ang malakas nilang tawanan habang binabanggit ang aking pangalan pagkatalikod ko sa aming mesa.

Malalaking hakbang na nagtungo ako sa ladies room. Makailang ulit pa akong natapilok sa mataas na suot kong heels. May tama na ako pero kaya ko pa ang sarili ko.

Pagkapasok ko sa loob ng banyo kaagad kong binuksan ang gripo sa sink saka naghilamos ng mukha. Pero parang tumindi lalo ang nararamdaman kong kakaibang init ng aking katawan. Nanunuyo rin ang lalamunan ko.

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon