Accidentally In Love 31

58 1 0
                                    

RYAN

"Ry..."

"Hmmm?"

"Kanina sa parada nandun sina Moana at Misha."

We were inside her room. Magkaharap na nakaupo sa sahig.

Pupunta sana kami ng simbahan pero kinaladkad niya ako deritso sa bahay ng makita niya ang natamo kong mga sugat at pasa. Pinagtatanggal niya pa yung peke kong balbas at sinipat buong mukha ko, buong katawan ko saka ginamot. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha habang patuloy siya sa ginagawa.

No one ever cared for me this much, just like what she's doing right now. Siya lang ang bukod tanging babaeng nag-alala sa'kin ng todo. She even cried dahil sa subrang pag-aalala at takot. Natunaw naman ang puso ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin ng hindi ako umimik.

"Masakit ba?" nag-aalalang tanong niya habang dinadampian ng cotton na may betadine yung sugat ko.

Umiling ako.

"Ba't bigla ka na lang 'di umimik?" muling tanong niya. "May problema ba?"

Inabot ko ang kanyang pisngi saka tipid na nginitian.

"Thank you."

"Para saan?"

"Sa lahat."

"Gaya ng?"

"Kailangan ko ba talaga isa-isahin?"

"Bakit marami ba para isa-isahin mo pa talaga?"

I chuckled and then took her left hand. Dinala ko iyon sa aking labi at mariin na hinalikan.

"Naalala mo pa ba yung araw na first time kang naglasing?"

"Hmmm," she frowned, then nodded. "OO." kumuha siya ng panibagong cotton, nilagyan ng hydrogen peroxide at pinagpatuloy ang paglinis sa iba ko pang sugat. "Grounded ako no'n ng isang buwan. Galit na galit sa'kin sina Mom and Dad. Inumaga ba naman ako sa inuman sa club tapos may tama pa 'ko no'n no'ng nagdrive ako pauwi." sabay tawa. "Ang kulit ko daw no'n sabi ng mga kaibigan ko. 'Di ako nagpapigil. Ayon muntik na akong mamatay..." tumingala siya na parang nag-isip saka ako tiningnan. "Hmmm parang may nabangga ako no'n na kotse e. Mukhang ikakasal yata yung sakay. Hindi ko masyadong matandaan yung lahat ng nangyari basta nagising na lang ako kinabukasan nasa kwarto na ako ng condo unit ni Kuya. Iwan kung sino nagdala sa'kin do'n. Ba't mo pala naitanong?"

"Ako kasi yung sakay sa kotse na yun. On the way to the church for my wedding." umawang ang labi niya sa sinabi ko. "But I choose to bring you home safely than left you there sleeping inside the car due to drunkenness."

"Oh my God!" bulalas niya sabay takip ng kamay sa bibig. "Seriously?"

"Hmm. Hindi ka naman talaga bumangga sa kotse ko no'n e. Muntik lang. Naapakan mo pa yung brake bago ka parang tangang basta na lang natulog habang nakabalandra yung kotse sa gitna ng kalsada. Buti nakilala ko yung kotse mo at nagawa mo pang buksan yung bintana no'ng katukin kita."

"Shet--ang lala. Hindi ko maalala. Kaya pala halos isumpa ako ni Mom. Pero 'di niya naman sinabi na ikaw yung naghatid sa akin sa condo ni Kuya e. Nagsumbong ka ba no'n sa kanila?"

"I did call them, sorry." then chuckled at her reaction. "Kaya no'ng dumating ako sa simbahan wala ng tao. Nagsiuwian na sila dahil mas inuna kita. You were in a very bad shape that day, so I decided to take care of you instead. Hindi ko kayang iwan kang mag-isa sa condo ng Kuya mo lalo't wala din siya. Anong oras na din dumating yung Mommy mo."

"Hala--shet.., hindi ka man lang ba nagmessage or tumawag sa kanila na male-late ka?"

"Three hours akong late sinong tangang maghihintay pa sa'kin do'n? Inisip nila wala talaga akong balak sumipot. Pinuntahan ko yung bride ko sa bahay nila pero pinagtabuyan niya ako. Galit na galit siya sa'kin. Nakatanggap din akong mag-asawang sapak kay Dad. Simula no'n hindi na kami naging ok lalo. Siguro dahil sa kahihiyan na binigay ko sa pamilya ng kaibigan niya."

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon