Accidentally In Love 42

51 2 0
                                    

JOE RYAN

Halos paliparin ko ang motor pauwi. Nagkukumahog pumasok sa secret door sa likod deritso sa Library. Lalo akong nataranta ng marinig ko ang pagkatok at tawag ni Aish sa labas ng pinto.

Kaagad akong nagpalit ng pambahay na damit at tsinelas. Inabot ko ang laptop at binuksan iyon. Pati yung tambak na papeles sa opisina pinagpatong-patong ko sa ibabaw ng mesa at mga libro. Binuhat ko ang wheelchair saka walang ingay na dinala iyon sa gilid ng pinto. I took the remote control and then unlocked the door. Saka ako naupo sa wheelchair.

"Ry?" impatient ng katok niya sa labas ng pinto with matching tawag. "Sure po ba kayo na nandiyan siya sa loob? Kanina pa po ako nagpapabalik-balik dito wala naman pong sumasagot e. Nag-aalala na po ako baka kung napa'no na siya, Papa."

"Kausap ko siya diyan sa loob kanina after namin kumain ng lunch. Ang tanging bilin niya sa akin 'wag daw siyang istorbohin--"

"Kahit po ako yung mang-iistorbo sa kanya?" sabad niya.

"Wala naman siyang sinabi na--"

"Baka pwedeng buksan na lang po natin ang pinto, Pa. Kahit magalit pa siya OK lang. I just wanna make sure--Ry!" bulalas niya ng buksan ko ang pinto.

Nginitian ko siya. "Hi," nag-angat ako ng tingin kay Dad. "OK na po. Thanks, Dad."

Tinuro nito ang labas. "Nasa garden ang Mommy mo. Pupuntahan ko lang muna sila doon."

Tumango ako. "Sige po."

Niluwagan naman ni Aish ang bukas ng pinto. Tinanaw ang loob, literal sa mesa ko. Nagtatanong ang mga matang niyuko niya ako.

"Nagtatrabaho ka?"

"I have to."

"Pero hindi ka pa magaling."

Inabot ko ang kamay niya saka dinala sa aking mga labi at matunog iyon hinalikan.

"You know that I'm totally fine. Napatunayan ko naman yun sayo kagabi diba?"

She gasped. Her face turned to a crimson pink. I grinned.

"Ryan--"

"I'm fine, Baby." hinatak ko siya palapit sa akin. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang bewang at isinubsob ang mukha sa tiyan niya. "Don't worry too much about me, ok? May ka-business call lang ako kanina sa abroad via skype kaya binilinan ko si Dad na walang mang-istorbo sa akin, sorry. Napag-alala kita ng subra."

She combed my hair with her fingers. "Pumunta dito kanina sina Mom and Dad kasama sina Tito Rafa at Tita Jackie pati yung mga anak nina Kuya, nandun sila sa garden."

"Nandito sila?"

"Hmmm."

"Ba't bigla naman yata sila napasugod dito?"

"Tita Jackie and Mom wanted to see you. Hindi niyo din pala ipinaalam sa kanila sa nandito ka na?"

Umiling ako. "It's my Bud Brothers' decision to hide me."

"Yung USB--"

"Aww--ang sakit na naman ng mga binti ko."

Umaarteng daing ko. Kumalas ako sa kanya saka hinilot-hilot ang mga hita ko pababa sa aking mga tuhod. Nakangiwing nag-angat ako ng tingin sa kanya. Puno naman ng pag-aalalang lumuhod siya sa harapan ko at hinaplos din iyon.

"Subrang sakit ba?Anong klaseng sakit?"

"Hindi ko ma-explain. Makakalakad na yata ako."

"Ano?"

"Aww--ang sakit talaga."

"Gusto mong tumawag ako ng Doctor--"

"'Wag na. Hindi na kailangan." sabad ko. Napamura ako sa isip. Ano bang sasabihin ko--t'ngna! "Nangangalay lang yata ako sa kakaupo. Pwede mo ba akong alalayan makatayo?"

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon