Accidentally In Love 44

53 3 0
                                    

JOE RYAN

"Hindi nga ako makaano diba? Sinabi ko na yun sayo, ang kulit mo."

JM released a pissed groan next line. "Weeks na ang nakalipas pero wala man lang ba tayong gagawing aksyon regarding doon sa--"

"It's just a trash bluff, believe me." sabad ko sa kanya. "Mawawalan silang alas laban sa atin kapag pinatay nila si Rashmin."

"How about doon kay Shienna? Pa'no kung--"

"'Wag ka ngang praning diyan. Wala pa yung DNA result. Ini-stress mo naman masyado yang sarili mo. Focus lang kayo do'n sa naunang plano."

"Fine. Kung hindi ka makalabas, ako na lang ang pupunta diyan sayo."

"Aalis kami bukas."

"Aalis kayo? Bakit saan kayo pupunta?"

"Sa resort ni Keith sa--"

Napalunok ako ng wala sa oras ng malingunan ko si Aish na lumabas ng walk-in closet wearing a rose pink sexy lace nighties. Pinupunasan ng tuwalya ang mukha at leeg. Nakapaang naglakad patungo sa harapan ng built-in dressing table. Nagtama pa ang mata naming dalawa sa salamin habang kinukuha niya ang lotion doon. Tumambling ang puso ko sabay lunok ulit ng ngitian niya ako ng matamis.

Damn...

Why is she acting weird since this morning?

Simula pa kaninang umaga napapansin ko parang may kakaiba sa kanya. Parang... may kakaiba sa mga ikinikilos niya.

No'ng pinapaliguan niya ako pakanta-kanta pa siya. Lagi siyang nakangiti na para bang nakalutang lagi sa alapaap. Tapos biglang hindi niya na ako papansinin.

Ganun ba talaga ang mood ng mga nagdadalantao?

Natigilan ako ng maalala ko yung package na natanggap niya---teka...

Lumalim ang gatla sa aking noo. Bigla akong sinalakay ng kakaibang kaba. Parang nagpa-panic na ang utak ko maisip ko pa lang na nang dahil sa t'ngnang package na yun na dumating kaninang umaga kaya nagbago yung mood niya.

Sino bang hinayupak na nagpadala no'n sa kanya?

Bakit ayaw niyang sabihin sa akin no'ng tinanong ko siya?

May sekreto din naman ako sayo e. It's a tie.

Tila kampanilyang biglang umalingaw-ngaw iyon sa aking utak. Hindi na mapakali pa sa aking kinauupuang wheelchair habang walang kurap-kurap na nakatitig sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Nakataas ang isang hita at hinahagod iyon ng dalawang kamay, pinapahiran ng lotion. Nakalihis ang nighties niya kaya sing liwanag ng buwan na nasisilip ko ang kulay rosas na bikini niya.

"Bro? Are you still there?"

Napakurap-kurap ako sabay tikhim ng marinig ko ang boses ni JM sa kabilang linya.

"Yes, bro... ano nga ulit yung sinabi mo?"

"About sa pamilya ni Mrs. Helena Gowiengco, walanghiya ang dami ko ng sinabi tapos hindi ka naman pala nakikinig."

I yawned. "Will talk to you again tomorrow, bro. Goodnight," sabay patay ng tawag.

Pinagulong ko ang wheelchair papunta sa harapan ni Aish. Matamis niya na naman akong nginitian.

Kinunutan ko siya ng noo. "You're acting weird today, baby."

Nginitian niya lang ako sabay lihis ng spaghetti strap sa kanyang balikat. Naglagay ng lotion sa kamay saka ipinahid doon. Nakatingin siya sa akin habang ginagawa niya iyon.

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon