Accidentally In Love 28

75 3 0
                                    

FABIO/RYAN

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang tatlo dito sa isla; Jorge, Nixon, and Jerald. I thought they were dead! Anong ginagawa nila dito sa isla??

Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Kinabisado ang lahat ng mukha ng trabahador. Sinenyasan kong lumapit si Atom saka bumulong sa kanyang tainga.

"Kilala mo ba ang lahat ng mga trabahador na 'to?"

"Yes. Taga rito silang lahat maliban sa tatlong yan. Mga taga Villahermosa daw ang mga yan sabi ni Otoy pero kakilala sila ni Engineer."

"Tawagan mo si Engineer. Sabihan mong magkita-kita tayo mamayang gabi."

"Sige," anito sabay dukot ng cellphone sa bulsa at lumayo saamin.

Binalingan ko silang lahat na nakatanga pa ring nakatingin sa akin. Iba-iba ang ekspresyon ng mukha; may takot, may masaya, may salubong ang mga kilay, may awang ang mga labi at hindi pa rin makapaniwala habang nakatitig sa aking mukha. May nagbubulungan pa 'di kalayuan.

"Ano? Kakain ba kayo or tititigan na lang ako hanggang sa matapos ang break time niyo?"

"Fabio," tawag sa akin no'ng 'di ko kilalang lalaki.

"Ano?" salubong ang kilay na tanong ko.

"Ano kasi... balak sana namin mag-alsa laban kay Amo pero--"

"Kung gusto niyong mamatay e 'di gawin niyo yang binabalak niyo." sabad ko saka naupo sa kawayang upuan. "Pero kung hindi kayo ready 'wag na. Malilitikan lang kayo kay Uncle."

"Diba ikaw yung dumali sa mga tauhan ni Amo?" sabad no'ng isang kasama nila.

"May pruweba ba kayo na ako talaga may gawa no'n?"

"Pero yun ang--"

"Wala akong kinalaman do'n."

Nagtinginan ang mga ito. Saglit na nag-usap-usap at sila-sila lang din nakarinig. Pagkatapos muli akong hinarap. Ipinatong ko ang kaliwang braso sa ibabaw ng mesa at nakataas ang isang kilay na tiningnan sila.

Someone cleared their throat.

"We had enough, Fabio. Gusto namin ng tahimik na buhay."

"Ayaw mo bang makalaya tayo sa kalupitan nila?"

"Araw-araw at gabi-gabi na lang kaming dinadaga sa takot na baka bigla na lang pasukin ang mga bahay namin at tangayin ang mga asawa't anak namin, Fabio."

"Hindi naman siguro lingid sayong kaalaman yung mga pinanggagagawa ng mga tauhan ni Amo sa mga karatig na isla diba?"

Tinitigan ko sila ng mariin. "Malamang alam ko. E kayo? Alam niyo ba kung gaano sila karami? Kung gaano kalakas? Alalahanin niyo sindikato sila. Mga armado. E tayo? May mga armas ba tayo?" muli silang nagkatinginan. "Wala diba? Itak lang. Itak versus granada, armalite, shotgun o kung ano-ano pang gamit meron sila. Sigurado hindi ka pa nga nakakaporma sumakabilang buhay ka na agad."

"Pero kung paplanuhin natin ng maige at magtutulong-tulong tayong lahat--"

"That's not enough," galit na nahampas ko ang mesa. Napaigtad sila sa ginawa ko. Si Boy Lado nakita ko pang napaatras sabay kalikot sa hawak na cellphone. "Hindi niyo kilala ang binabangga niyo. Maimpluwensya silang tao. Maraming kaalyansa. Higit sa lahat napapaligiran nila tayo. Maling galaw damay buong pamilya niyo." tinuro ko ang mga pagkain. "Magsikain na lang kayo pwede? Dala lang yan ng gutom kaya kung ano-anong naiisip niyo't 'di gumagana ng tama ang mga utak niyo." nakangiting binalingan ko si Kat na nagpapalipat-lipat ang tingin saamin. "Dalawang order po sakin na ulam tsaka tatlong rice, Madam."

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon