Accidentally In Love 41

48 2 0
                                    

JOE RYAN

I double locked the door pagkalabas ni Dad ng Library. Kinuha ko ang baril sa loob ng drawer saka malalaking hakbang na lumabas ng secret door. Sakay ng motorbike dumeritso ako sa security agency building.

Naabutan kong nagtatawanan, nagtsitsismisan, naghaharutan ang mga tauhan ko. Kanya-kanya pa silang takbo at balik sa pwesto pagkakita sa'kin na bumaba ng motorbike.

"Bossing!" nakangising sinalubong ako ni Nixon. "Welcome back!"

"Anong welcome back ang pinagsasabi mo diyan e magkasama lang tayo kahapon? May kailangan ka sa'kin?"

"Wala naman."

"Where's Third?" nilampasan ko ito pero nakangisi pa ring humarang sa daraanan ko. Pinaningkitan ko ito ng aking mga mata. "Umayos ka Nixon kung ayaw mong tadyakan kita diyan."

"Ito naman," nakatawang sinuntok pa ako sa braso. "Baka pwedeng sa RJ Surf Camp Resort na lang namin e-train sina Otoy at Atom."

I scoffed. "Sabi ko na nga ba. Hindi pwede. Nagha-honeymoon doon sina Keith at Cristal." aniko sabay lampas sa kanya pero paatras na humaharang pa rin ito sa dinaraanan ko.

"Nandun naman sila sa kabila diba?"

"Ikaw ang pupulutin sa kabila kapag 'di mo ako tinigilan. Umalis ka sa harapan ko."

He laughed. "Pumayag ka na kasi."

"Kapag sinabi kong hindi, HINDI." binalingan ko si Ace. "Where's Third?"

"One week lang naman Boss." nakangiting wika din nito. "Mas mag-e-enjoy yung dalawa sa resort ni Boss James--"

"Pupunta sila sa Resort para mag-training hindi para mag-enjoy lang." sabad ko sa kanya. Huminto ako saka inikot ang paningin sa buong paligid. Lahat sila nakatingin sa akin. Sa itsura nila mukhang alam ko na kung ano at sino ang pinag-uusapan nila kanina. "Where's Third?" ulit na tanong ko pero wala ni isang nag-abalang sumagot.

"Alalahanin mo bisita natin sila Boss not a trainee," banat pa ni Geon.

"They're your friends too, Boss." segunda ni Dax. "Don't be so hard to them."

Geon and Dax are well trained sniper. They were both from the military before. Not just them, also the triplets at iba pang mga tauhan namin ng mga kaibigan ko, and we're family.

"Anong hard?" tinuro ko silang lahat. "Ang mga mukha niyo ang hard. Magsibalik na nga kayo sa mga trabaho niyo hindi yung--"

"Hindi ba namin deserve mag-unwind?" sabad ni Fifth. "Nag-marathon kami sa trabaho no'ng wala ka Boss."

"True. Sabon na sabon pa kami sa Daddy mo."

"Di lang yun, 24/7 kami nagtrabaho. Walang pahinga Boss."

"Totoo, walang tulugan magdamag."

"Puyat na puyat kami, subra."

"We need beauty rest, Boss."

"Full body massage too."

"With a happy ending!"

"Yeah!"

"Sa tagal naming nabakante ni hindi na nga namin alam kung pano umungol."

"Aw Aw!"

Chorus nila sabay hagalpakan ng malakas na tawa.

Napalingon ako sa labas ng building ng may pumarada doon at sunod-sunod na nagbusina. Natanaw ko ang nakangiting sina Wayne at JM na bumaba ng kotse. Kumaway pa sa akin ang gago.

"Sabi nila ipapasyal ng Mommy't Daddy mo ang mga magulang ni Atom sa Resort sa Palawan so... we changed our plan."  boses ni Nixon. "It's either sa RJ Surf Camp Resort or sa Alphaland JAKR Island Club mo na lang sa Quezon. Daming hot chickababes do'n mga tol."

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon