Accidentally In Love 26

65 1 0
                                    

KATYA

Nagtulog-tulugan ako pero inabot ko ang baril sa ilalim ng aking unan. Naaaninag ko sa dilim ang malaking bulto ng taong pumasok at ni-lock pa ang pinto.

Mukhang bagong ligo. Kumalat sa buong kwarto ko ang sabon at pabangong gamit nito.

Humakbang ito palapit sa akin. Nakahiga ako sa pang-isahan na kutson sa sahig.

"Aw--! daing ko ng maapakan nito ang paa ko.

Bigla ko iyon iniiwas. Ngunit natisod din doon ang lalaki sa muling hakbang nito. Bumagsak sa ibabaw ko. Sabay kaming napamura at napadaing sa sakit ng impact ng pagkakabagsak nito sa akin.

"R-Ryan?"

"Katya?"

Sabay pa naming tanong. He cursed again, then rolled off the bed. Binitawan ko ang baril. Pinagpalit niya naman ang posisyon naming dalawa. I'm now on top of him. Ipinulupot niya ang braso sa aking bewang, yung kabila nasa likod ng ulo ko. Tila bakal sa higpit na niyakap niya ako.

"God--I miss you so much," he whispered, then showered me kisses on top of my head. "Sorry... Nasaktan ba kita?"

Umiling ako.

"Ba't ka kasi dito humiga hindi doon sa ibabaw ng papag? Tapos ang dilim-dilim pa. Wala ka man lang bang gasera dito?"

"Ryan..." sunod-sunod pumatak ang luha sa aking mga mata. Impit akong napaiyak sabay yakap ng mahigpit sa kanya pabalik. "It's really you--you're here."

Sinapo niya ang mukha ko pero kaagad ko iyon isinubsob sa kanyang leeg. Patuloy sa mahinang paghikbi. I hugged him even more; tighter, full of longing and love... missing him terribly.

He lovingly caress my back. "Why are you crying, baby? Sorry... hindi talaga kita nakita na nandito ka sa lapag."

I shook my head at the crook of his neck. "I... I thought I'm not gonna see you anymore. I was very worried about you, Ryan." pinupog ko siya ng halik sa kanyang leeg. "I miss you so much, my love. I love you--I love you. Subra akong nag-alala sayo. Hindi ako mapakali kakaisip sayo kung ok ka lang ba. Kung safe ba kayo. Or baka nakuha ka na nila kaya ang tagal mong bumalik. Alam mo maiisip ko pa lang yun para na akong mababaliw, Ry."

He sighed and then cupped my face. Pinalis niya ang mga luha sa aking mga mata. Ramdam kong tinititigan niya ako sa aking mga mata, sa aking mukha habang marahan niya iyon hinahaplos. Madilim sa loob ng kwarto ko. Tanging liwanag na tumatagos galing sa labas ang nagsisilbing liwanag para maaninag ko ang mukha niya. Pero hindi iyon sapat para ganap kong mabistahan ang itsura niya.

"May nangyari ba dito habang wala ako?"

Hinuli ko ang kanyang mainit na kamay na humahaplos sa aking mukha. Idinikit lalo doon. Napapikit ako sa ginhawang hatid niyon sa akin. I felt that all the worries and fears coiled in my heart just vanished when I had him now again beside me; alive, safe and sound.

"Marami pero, I felt safe now." I lowered my face, then kissed him on his forehead. "Ikaw kumusta ka? Bakit ang tagal mong 'di nagpakita sa akin? May nangyari ba sainyo kaya natagalan kang bumalik dito?" tanong ko habang pinapaulanan siya ng halik sa kanyang buong mukha. "Araw-araw kitang kinakamusta kay Otoy pero wala namang sinasabi sa akin ang ungas na yun. Pinagtataguan pa ako. Nababanas na nga ako sa kanya e kaso siya pa tuloy itong laging nakasimangot ang mukha kapag nakikita ko kaya wala din akong magawa. Buti love siya ng kaibigan kong si Cath kung hindi baka nagulpi ko na siya."

"Mukhang ok ka naman. Ang daldal mo pa rin."

Bigla ko siyang nahampas sa kanyang balikat. Mahina niya naman akong pinagtawanan.

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon