EPILOGUE

76 3 0
                                    

EPILOGUE

“Si Lucas Ricaforte,” wika ni Don Norman Fuentebella, Lolo ni Mia. “Siya yung tumambang saamin noon, five decades ago. May hinahanap siyang disquette at blue book kay Lian.”

“Sa Lola Lian ko?” tanong ni JM.

Tumango ito. “Tinanong ni Cleo si Lian kung ano ang mga yun pero hindi niya alam. Wala din kaming idea.”

“Ganun po ba kahalaga kay Lucas ang mga bagay na yun para pagtangkaan pa ang--”

“Tingin ko hindi talaga si Lucas yung nakaharap namin noon.” sabad nito sa akin. “Lian said that guy looks different. Para siyang lumiit. So I conclude that someone impersonated Lucas. Pero nagdadalawang isip ako kung hindi nga ba talaga siya iyon dahil sa report na dumating sa akin.”

“Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ni James.

“Pagkatapos kong maka-recover sa insidenteng yun, I contacted my private investigator. Pinahanap ko si Lucas. No'ng araw na napabalitang kasama si Lucas sa sumabog na kinalulunaran na yate yun din mismo yung araw na namatay yung private investigator ko. Pero nakapagsend pa siya ng email sa'kin bago siya binawian ng buhay.”

Inutusan nito yung lalaking nakatayo sa tabi nito. Pumasok iyon sa kwarto. Paglabas may bitbit ng ipad. Binigay iyon sa Don. Saglit na kinalikot ang aparato saka inabot sa akin.

“Tingnan niyo lahat ng 'yan. Including the video.”

Nag-umpukan kaming magbabarkada; Ako, si James, Keith, JM, Chad, and Wayne. Salubong ang mga kilay na tinitigang mabuti ang mga picture sa screen. When I played the video... gulat na nagkatinginan kami, namilog ang mga mata, umawang ang mga labi sa nakita.

“H-He's alive!” bulalas ni James. “Meaning Rashmin telling us the truth, too. Lola Josie and Lucas are still alive!”

“Pero sino yang lalaking tumulong kay Lucas?” tanong ni JM. “Or tinulungan ba talaga siya?”

“Hindi kita ang mukha pero his tattoo looks familiar to me, hindi ko lang maalala kung saan ko nakita.” boses ng Don. “Kaliwa't kanan ang krimen na kinasasangkutan ni Lucas before that incidents happened, including illegal transactions. Wanted siya kaya lumalabas na he committed suîcide. But...” sunod-sunod itong umiling. “Ayokong maniwala sa mga inilalabas nila sa balita. I even used my power and connections to control the spread of that fake news pero maraming lumutang na mga witness at si Lucas ang itinuturo nila.”

“Parang may lapses po with your story,” boses ni JM. “Halos lahat po kasi kayong nakakakilala kay Lucas Ricaforte hindi naniniwalang makakaya niyang gawin ang lahat ng nangyayari sa pamilya namin ngayon e. Malakas ang kutob ko na baka someone tried to framed up him. Ginagamit ang identity ni Lucas para masira siya.” tiningnan kami ni JM.

“At ang taong yun ay walang iba kundi yung nagtatago mismo sa katauhan ni Stanley Morales.” sabay-sabay naming wika sa isa't isa.

“And that guy none other than Marverick Lewis.” wika ni Keith.

Nalipat ang tingin namin sa kanya.

“Pa'no mo naman nasabi?” tanong ni Chad.

“Ginawa niya na yun dati kay Dad diba? Malakas ang kutob kong buhay pa ang hayop na yun.”

“Pero ang alam ko tatlo ang anak ni Stanley Morales, e si Marverick dalawa lang naman.” wika ko.

“What if tatlo pala yung anak niya?”

“What if lang yun.” sabad ni Keith kay Chad. “Hindi sigurado. Do'n tayo sa sigurado na baka buhay nga si Marverick Lewis.”

“I agree. Totoo talaga yung mukha niya na nakita ko doon sa rooftop ng hideout nila sa Binondo. Pinapaikot niya lang tayo. Baka siya talaga si King.”

Accidentally In Love: Bud Brothers Series 4 |COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon