📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!
Kian’s POV
PASADO alas nuwebe na ng umaga nang maisipan kong bumaba para manuod ng palabas. Mula rito sa sala ay dinig na dinig ko ang lakas ng boses ni ate habang kinakausap si Yaya Villma. At hindi ko sila naiintindihan dahil hindi naman ako bihasa sa salitang bikol. Nagagalit kasi si Daddy kapag naririnig niya kaming nagsasalita o kapag nalalaman niyang nag-aaral kami ng bikol.“Balita ko nagkausap na kayong dalawa ni Liam. Would you mind to tell me what happened?” Dinig kong tanong niya sa likuran ko saka siya naupo sa tabi ko.
“Maayos naman. Nag-kumustahan kaming dalawa at humingi siya ng tawad sa akin.”
“What about his husband? Nagkausap na ba kayo o hindi pa? Gustong-gusto ka no’n makausap, laki na rin ng pinagbago ng kaibigan mo.”
“Hindi, wala sa bokabularyo kong kausapin ang lalaking ‘yon and I don’t care about him anymore.”
“Dahil galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?”
“Wala akong GALIT sa kanya.” Seryosong sambit ko at nagkibit balikat.
“O, e, bakit ayaw mong kaus---.”
“Dahil ayoko,” agarang sagot ko.
Natigilan ako sa sumunod niyang tanong at nakaramdam ng lungkot. May plano nga ba akong humanap ng iba? Nagdadalawang isip ako ngayon sa isasagot ko. Nagugulohan pa rin ako.
“I don’t know, ate. Wala pa sa isip ko ang tungkol sa bagay na ‘yan,” pagsisinungaling ko.
“Dahil hanggang ngayon mahal mo pa rin si Liam, tama? At hindi mo pa siya kayang palitan?”
“Okay let’s say na minahal ko s’ya pero noon iyon at hindi na ngayon… ata. It’s just that my heart is not yet ready.”
“Natatakot lang kasi ako na baka dahil sa nangyari sa past mo hindi ka na magmahal ng iba. Nagkaka-edad ka na at ilang taon na lang malapit ka ng mag-trenta. Natatakot ako na baka matulad ka sa ibang mga kalahi natin. Ayokong mangyari ‘yon sa ‘yo, Kian.” Ngumiti ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
“Enough and stop thinking that. Dahil sinisigurado kong hinding-hindi ako matutulad sa mga kalahi natin. Pero para kasi sa akin, masyado pang maaga at magulo pa ngayon ang isip ko. Ayokong magmahal na hindi ako stable emotionally and physically.”
She sighed. “Sana nga totoo ang sinasabi mo. Hangga’t wala ka pang pinapakilala sa amin, hindi ako mapapanatag na nagsasabi ka ng totoo.”
“Grabe ka. You don’t trust me anymore, don’t you?”
“Buti alam mo…”
“Kahit naman ako ayoko ring tumandang binata. Basta hindi talaga kasi ako nagmamadaling magka-lovelife sa mga oras na ‘to. Siguro maghahanap ako kapag pareho na kayong kinasal ni Ate Minnie at may tig-isang mga anak na.” Isang malutang na batok naman ang natanggap ko mula sa kanya dahilan ng mahinang pagdaing ko’t napaayos ng upo.
“Sis, ikalma mo nga ‘yang kamay mo. Ang sakit mong mamalo.”
“Tigil-tigilan mo rin ako sa ganiyang mindset mo, Kian. Baka ‘di lang ‘yan ang abutin mo sa akin.” Tumango-tango lang ako para matapos na ‘tong usapan namin at ‘di na humaba. Nang ‘di niya na ako imikin ay nakahinga-hinga ako ng maluwag.
Muli kong itinuon ang atensyon sa panunuod ng rom-com movie sa Netflix at nang lingunin ko siya ay nakita kong magka-chat sila ni Clark. Mayamaya lang walang pasabi siyang umalis sa tabi ko para sagutin ang tawag nito. At naging dahilan ang biglaang pagsigaw ni Lexie para mapunta ang atensyon ko sa taas.
BINABASA MO ANG
Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BL
FanfictionUNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking care of their mother, he was also assigned to watch over his mother's farm with the help of his uncle...