WDYS 29 - Pagtatapat Ng Katotohanan

17 3 0
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert! 

Amber's POV
MAHIGIT isang linggo na ang nakalilipas simula nang malaman ko ang katotohanan. Hindi na rin muna kami tumuloy ni Clark sa pagpunta sa Spain. Wala akong ibang ginawa kung ‘di bantayan ang anak namin sa tuwing may training siya sa pagsu-swimming. May mga oras namang na sa kuwarto lang ako. Sa kadahilanang iniiwasan ko muna ang parents ko. Ayoko na muna kasi silang makausap. Ang nanay naman ni Clark ay na sa Korea ngayon dahil nagkaroon ng problema sa kumpanya nila.

Hawak ni Clark ang kamay ko hanggang sa makababa kami ng hagdan pero natigilan ako nang makita ang tatlo. Nakikipaglaro sila kay Mae at natigil lamang iyon nang tumikhim ang asawa ko.

“I’m sorry but this is the right time to talk with them, hon. Your questions won’t be answered if you don’t talk to them and if you keep avoiding them. Just like what you always said to me, everything that happens to us has a reason.”

Inutusan ni Clark ang yaya na kunin na si Mae at sumama naman sa labas ang kapatid ko saka kami naglakad palapit sa parents ko. Agad naman akong niyakap ni mommy nang makalapit na ako sa kanila.

"Anak…” Tawag niya sa akin at tiningnan ko lang siya. “Pasensiya na kung hindi ko sinabi sa 'yo kaagad ang totoo."

"No need to keep on apologizing, mom." Seryosong sambit ko saka kami naupo ni Clark. "Noon pa man ramdam ko na talaga na parang hindi niya ako anak at nagkatotoo nga. Hindi ko lang talaga matanggap na magkakatotoo ang mga iniisip ko at mga sabi-sabi ng kapitbahay natin. Sobrang sakit, mom."

"Pero wala na akong ibang magagawa kung 'di ang paunti-unting tanggapin ang totoo – na hindi siya ang totoo kong ama," dagdag ko.

“I was so mad at your mother because of what had happened, but I never hate you. It’s just that I can’t bear to see you because you are the one who reminds me of what happened in our past,” dad explained. “

Masama dapat ang loob ko sa kanya pero hindi ko magawa. Marahil ay kahit paano naging isang mabuting ama rin naman siya sa akin kahit madalas hindi kami magkasundo.

"Sabihin niyo sa akin lahat hanggang sa maintindihan ko. Hindi naman siguro mahirap ang pinapagawa ko hindi ba?”

Nagkatitigan muna silang dalawa bago siya nagsimula sa pagkuwento. Sinimulan niya kung paano humantong ang lahat sa arrange marriage at kung bakit ganoon na lang ang galit sa kanila ng mommy ni Clark.

"Your mom's parents and my parents are childhood best friends. Ako na lang noon ang hindi pa naikakasal sa aming magkakapatid ganoon din ang mommy mo. Kaya nagpasya silang i-arrange marriage kami at nang sa ganoon ay mapag-isa ang pamilyang Silvia at Dietzel." Kuwento niya at saglit siyang huminto para tingnan si mommy. "but your mom doesn't have any idea what is happening and the reason behind why I suddenly ask her to marry me. Isang masakit na desisyon na ginawa ko noon ang hiwalayan si Maxine without telling her the truth not until she found out about it the day after our wedding ceremony. She was so mad at us na tipong nagwala siya sa kalagitnaan ng party. But I have to let her go instead of fighting her dahil magandang opportunity na rin iyon para magkaayos na sila ng mommy niya na lola ni Clark. Hindi kasi ako tanggap ng parents niya na maging boyfriend at asawa niya. Dahil din sa akin kaya nag-away sila na naging dahilan para ma-stroke ang daddy niya. Few days ago, her father die. That was a very painful news I heard dahil ako ang dahilan kung bakit iyon nangyari kay Mister Nim."

Wala ni isa sa amin ang nakaimik matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Kita ko ang lungkot sa mga mata ng asawa ko pero hindi ko maramdamang nagagalit siya. Hindi ko rin lubos maisip na ganito pala ang nangyari sa mga parents namin noon. Naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kanya ng mommy ni Clark.

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon