WDYS 1 - Pusong Nagdurugo

278 12 3
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!

Chay's POV
TAHIMIK lang akong nagbabasa rito sa kwarto na tanging flashlight lamang ang nagsisilbing liwanag. Pilit na nagre-review kahit na wala namang quiz at exam - kahit na para bang nililipad sa kawalan ang isipan. Idagdag pa ang ingay na nagmumula sa sala kung kaya't hindi ako makapag-pokus ng maayos. Paniguradong paglabas ko rito sa kwarto mamaya ay puro mga kalat na naman ang sasalubong sa akin.

Ilang araw na lang din disisiyete anyos na ako at kukunin na ako ni Tita Marsha mula sa pamilyang 'to na ilang taon kong pinagtitiisaang pakisamahan. Ang pamilyang naging dahilan ng pagkasira ng magandang kutis na mayroon ang aking balat, at dahilan para mawala ang ngiti sa aking labi. Nawalan ng saysay ang dating makulay na buhay na meron ako noong nabubuhay pa sina Mama at Papa.

Wala akong ibang ginawa kung 'di ang sumunod sa bawat inuutos sa akin. Kulang na lang ay pangalanan nila akong hayop dahil sa mga pinaggagawa nila sa akin. Naranasan kong kumain na parang aso nang minsang magkamali ako.

Mayamaya lamang nakarinig ako ng kalabog dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sunod-sunod ang paglunok ko ng sariling laway hanggang sa isang anino ang nakita ko sa kurtina. Alam kong si Tiya Emily ang nasa likod ng aninong nakikita ko ngayon habang may hawak na namang sinturon.

Ano na naman kayang kasalanan ang nagawa ko ngayon? Tanong ko sa sarili.

"Chay!!!" Sigaw niya sa pangalan ko at doon na ako naalarma.

Walang paligoy-ligoy akong nagtungo sa aking higaan at niyakap ang kaisa-isahan kong unan habang nagsisimula nang mangilid ang mga luha sa mata ko. Hinawi niya ang kurtina at tingin pa lamang sa akin ay alam ko na ang maaaring mangyari. Nilapitan niya ako at mahigpit na hinawakan ang braso ko saka ako sinapak ng napakalakas, dahilan para makaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Hindi pa nakababawi ang mukha ko mula sa pagkakasapak niya nang hilain niya ako palabas ng kwarto. Bumulaga sa akin ang makalat at magulong bahay habang nakabukas ang TV.

"Hindi ba ang sabi ko sa 'yo kailangang malinis ang buong bahay sa tuwing darating ako galing sa trabaho? Pero ano't bakit ang dumi-dumi ng bahay?!" Galit na galit niyang sigaw na halos ikabingi ko na at parang lalabas ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa sobrang takot. Magsasalita na sana ako pero hindi ko na nagawang ituloy nang magsimula na siya sa pagpalo sa akin.

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon