WDYS 34 - Therapy

13 3 0
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!

Kian’s POV
MATAPOS naming makapagusap-usap dito sa labas ng kwarto ni Chay ay nagpasya na kaming pumasok sa loob. Magkahawak-kamay ang dalawa kong kapatid na nakasunod sa parents ko at kay auntie. Tulala pa rin si Chay nang pumasok kami. Bahagya pa siyang nagulat nang hawakan ko ang kamay niya.

“Chay, may sasabihin kami sa ‘yo,” malumanay kong sambit at tiningnan niya lang kami.

“Hindi ba gusto mo ng gumaling para makalabas ka na rito?” Tanong sa kanya ni Mommy at tumango siya.

“Puwede na po ba akong makalabas? Ayoko na po rito.” Pahina nang pahinang sambit ni Chay.

“Hindi pa pero kung papayag kang magpa-chemo at maganda ang magiging resulta, ilalabas at iuuwi ka namin kaagad.”

Naupo si auntie sa tabi ni Chay at hinawakan ang dalawang kamay niya. “Ang sabi sa amin ng doktor, mayroong mga side effects ang pagpapa-chemo sa katawan ng isang pasyente. Mayroong posibilidad na baka lalo kang manghina at mahirapan pero malaki ang tiwala namin sa Panginoon. Alam naming hindi ka niya pababayaan. Alam din namin na hindi ka basta-basta sumusuko at alam kong kakayanin mo iyon.”

“Kung kami kasi ang papipiliin at tatanungin, gusto naming lahat na magpa-chemo ka. Nakaalalay naman kaming lahat sa ‘yo hanggang sa gumaling ka,” sambit ni daddy.

Silence prevailed for a few moments while we were waiting for his response.

“Sige po…” Saad ni Chay na siyang dahilan ng pagngiti naming lahat. “Pumapayag na po ako kung talagang iyon ang makabubuti para sa ‘kin. Gustong-gusto ko ng umalis dito at gumaling.”

Matapos niyang sabihin iyon ay kaagad na nagpaalam ang parents ko at kasama nilang umalis si Auntie Marsha. Kami-kami na lang ng dalawang kapatid ko ang nandito sa kwarto.

“Chay huwag kang masyadong mag-alala at mag-isip ng kung anu-ano ha? Ang isipin mo ay gagaling ka. Huwag mo rin munang isipin iyong loko mong tatay.” Sambit ni Ate Amber, tinanguan lang siya ni Chay.

Ilang minuto na lang alas nuebe na pagtingin ko sa wristwatch kaya naman pinatulog ko na siya.

“Hindi ka pa ba magpapahinga, Kian?” Tanong ni Ate Minnie.

“Bakit pa ako magpapahinga kung na sa harapan ko na ang pahinga ko? Kung inaantok na kayo, mauna na kayong matulog dahil hindi pa ako inaantok.”

“Alam ko pero ipapaalala ko lang sa ‘yo na halos araw-araw ka ng nagpupuyat sa pagbabantay kay Chay. Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit niyan,” sumbat ni Ate Amber.

Nilatag nila na ang dala nilang malaking folding bed at magkasunod silang nahiga roon. Ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik iyong tatlo. Dinalaw na rin ako ng antok kaya nahiga na ako sa tabi ni Chay.

ALAS sais pa lang ng umaga gising na kaming lahat. Hawak na ni daddy ang raizor at sinimulan niya na ang pag-ahit ng buhok ni Chay.

“Bakit ka umiiyak?” Tanong ko nang makitang may tumulong luha sa mga mata niya.

“Magmumukha na akong itlog,” naiiyak niyang sambit.

“Hey! Don’t say that. Guwapo ka pa rin sa paningin naming lahat kahit wala ka ng buhok. Hindi ka magmumukhang itlog, ikaw lang ang nag-iisip niyan kaya huwag ka ng umiyak. Ang kyut-kyut mo kaya, ngiti ka na ulit,” nakangiting sambit ni Ate Minnie.

Kinuha ko kay daddy ang raizor dahil gusto kung ako ang tatapos sa pag-ahit ng buhok ni Chay. Naging maingat ang bawat paggalaw ko hanggang sa natapos ako dahil baka masugatan siya. Kinuha ko iyong hair brush para tanggalin iyong mga buhok sa katawan niya saka ko siya nilagyan ng pulbos at sinuotan ng bonnet.

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon