WDYS 14 - The Fortune Teller

37 4 0
                                    

⚠️Trigger warning: ⚠️
This chapter might contain elements of SEXUAL HARASSMENT, PHYSICAL and THREATs. Which may be harmful or traumatizing to some.

Disclaimer:
This is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

📌Unedited & grammatical error alert.

Chay's POV
"So pano, bukas na lang ulit natin ituloy ang practice?" Patanong na sambit ni Lyka, magkagrupo kasi kaming dalawa sa spoken poetry.

"Basta mag-practice kayo sa bahay niyo lalo na kayo boys... maliban lang kay Chay. Very good na siya," sambit ng group leader namin. Nagsitango lang kaming lahat saka naghiwa-hiwalay.

"Hindi ka ba sasabay sa akin Chay?" Tanong sa akin ni Lyka.

"Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako. Mauna ka na," sabi ko kahit wala naman talaga akong pupuntahan. Tinanguan niya lang ako saka siya sumakay sa kotse ng kuya niya.

Tiningnan ko ang phone ko at ilang minuto na lang ala singko na ng hapon. Naglakad ako hanggang sa waiting shed. Agad ko namang pinara ang tricycle na nakita ko at huminto ito sa tapat ko.

"Sa centro po sa Jollibee." Sabi ko bago ako sumakay.

After twenty minutes...

"Salamat, kuya." Sabay abot ng bente pesos sa kanya. Pumasok na ako sa loob at nakipila. Nang ako na ay agad akong um-order ng dalawang burger, french, saka ice cream. Dito ako sa may bintana pumwesto.

Tinext ko si Kian na nandito ako ngayon sa Jollibee at pagkatapos ay sa Pier ako didiretso para magpalipas ng pagod. Nang matapos akong kumain ay um-order ulit ako ng burger saka French with sprite drinks bago nagpunta sa Pier. Nilakad ko lang din iyon.

Mga mag-kasintahan ang karamihang nakikita ko ngayon pero may iilan din namang mga estudyante at mga bata kasama ang mga magulang nila na inaalalayan sila sa paglalaro sa playground.

Mag-isa at tahimik lang akong nakaupo rito sa bench hanggang sa bigla na lang may umupong isang ginang sa tabi ko. Nakapusod ang mala-tsokalate nitong buhok at mayroong nunal sa ibabang bahagi ng kanyang labi. Mayroon itong suot na kuwentas na parang balahibo ng manok. Ang magkabilang kamay naman niya ay mayroong mga purselas at isang singsing na mayroong kulay pulang hugis bilog.

"Puwede ko bang mahawakan ang palad mo?" Nagtataka man ay inabot ko pa rin ang isang kamay ko.

"Mapalad kang bata, hijo," sambit niya na siyang dahilan ng pag-iling ko.

"Hindi ako nagbibiro hijo, pero talagang mapalad ka sa kalagayan mo ngayon. Maraming kang taong napapasaya at mamahalin ka nila ng buong-buo. Ang isa naman sa mga hiling mo'y nangyayari na ng hindi mo namamalayan. Sinasabi rin sa akin ng iyong palad na ang taong iyong mamahalin at makakasama sa maikling panahon ay iyo ng nakilala. Ikaw ang magsisilbing gamot para tuluyang humilom ang sugat ng puso nito dahil sa nakaraan," mahabang sambit niya.

"Isa ka po bang manghuhula?" Tanging nasambit ko sa kabila ng napakarami niyang sinabi. "At ano pong ibig mong sabihin na nakilala ko na ang taong mamahalin ko na makakasama ko sa maikling panahon?"

"Basta at hindi magtatagal mahahanap mo rin ang kasagutan sa tanong mong iyan," sagot niya saka siya muling nagpatuloy. "Manghuhula ang tingin sa akin ng karamihan pero para sa akin ay isa lang din akong kagaya mo."

Tumango-tango ako. "Puwede po bang magtanong ulit?"

"Alam ko na kung anong itatanong mo."

"Talaga po? Sige nga po, ano pong itatanong ko?"

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon