📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!
Kian's POV
HINDI pa man ako nakakaba ng hagdan ay napasimangot na ako matapos kong marinig ang boses ni Mike. Magkatabi sila ni Chay na nanunuod ng palabas sa cellphone habang kumakain ng mais. Hindi man lang ako tiningnan ng dalawa kung hindi lang sumigaw itong si Kc at nakurot pa siya sa tagiliran ng panganay na kapatid."Gising ka na pala, Kian. Halika ka, samahan mo po kaming manuod. Kuha ka na lang po ng mais sa lamesa." Tinanguan ko lang si Chay bago kumuha ng mais at isang baso ng tubig. Uupo sana ako sa gitna kaso naunahan ako ni Mike.
"Chay punta kayo mamaya sa bahay ha," dinig kong sambit ni Mike.
"Bakit anong mero'n?"
"Kinalimutan mo na kaagad? Birthday ko ngayon."
"Birthday mo ngayon? Seryoso? Sorry nakalimot na ako. Promise pupunta kami mamaya."
Tumayo ako at nagpunta sa balcony para mapag-isa. Umagang-umaga sira na ang mood ko. Nilapag ko sa lamesa ang basong hawak at nilagay doon ang mais. Maglalakad-lakad muna ako.
"Magandang umaga!" Bati sa akin ng sundalong nakasalubong ko.
"Magandang umaga rin, sir," bati ko.
May ilang sundalo rin akong nakasalubong papunta ng karenderya at may mangilan-ngilan sa kanila na kilala ko na.
Nakarinig ako ng taho habang naglalakad-lakad. Tinawag ko iyon kaagad at sinabing hintayin ako dahil kukuha lang ako ng pera. Kasama ko na rin ang magkapatid pagbalik ko. Tig-iisang malaking tasa kami pero iyong si Mike ay sa halagang bente pesos lang ang binili ko.
Pagsapit ng alas kwatro ay sinundo na sila ni Mike pero hindi ako sumama. Ako at ang tita lang ni Chay ang nandito ngayon sa bahay. Tahimik akong nanunuod ng drama habang kumakain ng mangga nang lapitan niya ako.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila, hijo?" Tanong niya.
"Tinatamad po kasi akong gumala," pagsisinungaling ko.
"Hindi ka pa ba kakain ng hapunan? Kakain na kasi ako.”
"Salamat na lang po. Hihintayin ko kasi sila saka ako kakain ng hapunan saka hindi pa naman po kasi ako gutom."
"Sige, ikaw ang bahala. Kung magutom ka may pagkain na sa lamesa, magsandok ka na lang. Pagkatapos ko kasing kumain ay matutulog na ako."
SA kakahintay kong dumating na sila ay hindi ko namalayang nakatulog ako rito sa sala. Paggising ko nakapatay na ang ilaw sa kusina saka sa hapagkainan. Tanging dito na lang sa sala ang meron. Bumangon ako at sumilip sa labas, walang katao-tao pero maliwanag sa bakuran kahit gabi na. Ilang minuto na lang alas otso na. Kumain na lang ako ng mag-isa at pagkatapos makapanghugas ay umakyat na ako para magpalit ng damit.
Habang tahimik na nagbabasa ay naisipan kong tumawag kay Ate Amber. Malapit na kasi ang kasal nila pero baka hindi ako dumalo. Nakaapat na ulit akong tumawag bago siya sumagot. Kinumusta ko lang siya at pinaalalahanang mag-iingat palagi. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama. Lahat ng bintana ay nakabukas lang dahil hindi kaya ng electric fan ang init kapag ganitong mga oras.
Panay ang paggalaw ko sa higaan dahil hindi ako makatulog kahit anong gawin kong pagpikit ng mga mata. Bumangon ako at tiningnan ang oras sa cellphone. Pa-alas dyes na ng gabi, nandito na kaya sila? Pero dahil wala pa si Arjay sa higaan niya, alam kung wala pa rin sila hanggang ngayon.
Napahilamos ako sa mukha at inis na tumayo. Pinatay ko muna ang electric fan bago lumabas ng kwarto. Unti-unting nagtaasan ang balahibo ko nang biglang humangin. Sobrang liwanag sa labas nang sumilip ako bago binuksan ang pintuan. Yakap ko ang sariling naupo sa mahabang kahoy na upuan. Maaliwalas ang kalangitan kaya kitang-kita ang half-moon. Minsan parang gusto kong lagi na lang ganito dahil maliban sa tahimik at payapa sa gabi, nakagagaan siya ng kalooban.
BINABASA MO ANG
Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BL
FanficUNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking care of their mother, he was also assigned to watch over his mother's farm with the help of his uncle...