WDYS 36 - Parting Ways

11 4 0
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!

Chay's POV
"BAKIT mas pinili mo pa ring sumama sa amin kaysa manatili sa puder nila Kian?" Tanong ng kapatid ko matapos niyang ayusin sa bagahe ang mga gamit na dadalhin ko para sa pagpunta namin sa America. Hinanda na rin niya iyong wheelchair ko.

Isang linggo na kami rito sa Maynila at kahapon lang din dumating iyong passport namin ni Tita Marsha kaya bukas ay puwede na kaming bumiyahe papuntang Amerika.
Sa loob ng isang linggo ay wala akong ibang iniisip kung 'di si Kian – kung anong ginagawa niya? Kung okay lang ba siya? Iniisip niya rin ba ako? Kung galit ba siya sa akin? At kung ako pa rin ang mahal niya?

"Chay!" Halos pasigaw na tawag sa akin ng kapatid ko.

"H-huh? Bakit ate?"

"Are you okay?"

Tumango-tango ako. "Yes, bakit?"

"Tinatanong kasi kita kani-kanina lang. Kung bakit mas pinili mo pa ring sumama sa amin kaysa manatili sa puder nila Kian? Pero dinedma mo lang ako."

"Kung ang pagsama ko lang ang tanging paraan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni mommy ay handa akong iwanan ng pansamantala ang taong pinakamamahal ko," tanging nasabi ko. "Nang sa ganoon ay makabawi man lang ako sa nanay natin..."

Taimtim siyang naupo sa tabi ko at tumagal iyon ng ilang segundo.

"Patawad kung naging duwag ako, Chay. Patawad kung dahil sa kaduwagan ko ay kinailangan mong iwan ng pansamantala ang si Kian. Kaya tatanggapin ko kung pati sa akin ay magalit ka. I'm so sorry..."

Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Ayan ka na naman, ate. Hindi ka duwag, ginawa mo lang kung ano ang dapat at dahil iyon sa pagmamahal mo sa kanila. Forgive yourself na kasi alam kong hindi matutuwa si Mommy kung patuloy mong sisisihin ang sarili mo. Narito na ako at ako ng bahala para mabigyang hustisya si mommy. Ang kailangan mo lang ay suportahan ako at hatiran ako palagi ng balita tungkol kay Kian. Iyan lang ang kahilingan at gusto kong gawin mo."

"Pero paano kung sa ginawa mong 'yan ay si Kian naman ang mawala sa 'yo? Hindi ka ba natatakot?" Tanong niya na siyang dahilan para hindi ako makaimik. Nag-iba bigla ang dating ng ihip ng hangin at kumirot ang dibdib ko.

"Walang kahit na sino sa atin ang nakakaalam kung ano ang kapalaran natin sa isang tao, Chay. Kaya tatanungin kita, handa ka ba talaga sa desisyon mong pansamantala siyang iwan nang hindi mo man lang sasabihin kay Kian ang dahilan?" Dagdag niya.

Sa pagkakataong ito ay tuluyan ng nablangko ang isipan ko. Handa nga ba talaga ako? Buo na ba itong desisyon ko?

"Ayokong magsisi ka sa bandang huli. Hindi ko kakayaning makita kang umiyak ulit. You're too precious, Chay. At alam ko kung gaano mo kamahal si Kian kahit na kakasimula pa lang ng relasyon niyo. Hindi magtatagal ay bente anyos ka na at nakatitiyak akong sa edad mong 'to ngayon ay kahit paano aware ka na sa mga bagay-bagay."

Yumuko ako ng kaunti. Nauubos lalo ang lakas ko. Hindi ko alam kung bakit palagi akong nanghihina sa tuwing si Kian ang pinag-uusapan namin. Aaminin kung hindi ako handang sumama sa kanila pero kailangan kong gawin iyon alang-alang sa hustisyang gusto kong makamit. Kailangan ko ring gawin 'to para makapag-focus na ulit si Kian sa trabaho niya. Ayokong mawalan siya ng oras sa trabaho niya nang dahil sa akin. Nakatitiyak din akong nami-miss na siya ng mga fans niya.

Bumuntonghininga ako. "Handa na ako, ate."

"Sigurado ka?" Paninigurado niya.

"Siguradong-sigurado," sagot ko pero deep inside ay natatakot ako. "Alam kong isa ito sa mga pagsubok sa 'min para subukin kung gaano katibay ang tiwala at pagmamahalan namin ni Kian. Kilala ko si Kian, ate. Ibang-iba siya sa iniisip mo. Sigurado akong hindi niya magagawang humanap ng iba habang wala ako kahit na hindi ko sabihin sa kaniya ang dahilan. Pero kung dumating man sa puntong mangyari ang iniisip mo ay nakahanda akong tanggapin iyon ng buo. Handa akong parayain siya."

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon