📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!
Chay’s POV
HINDI ko na hinintay si Kian na gumising dahil kusa na akong bumangon para bumilad sa araw kahit hinanghina pa ang buong katawan ko. Nakatayo lang ako rito sa bintana habang nakahawak sa bakal na hawakan ng dextrose. Napakagandang pagmasdan ng kalangitan at ang gaan sa pakiramdam ng hangin.Ilang minuto na ang nakalipas. Wala akong ibang iniisip kung ‘di si Kian at kung anong mga naghihintay sa akin sa mga susunod na araw ngayong isang linggo na ako rito pero hindi pa rin bumubuti ang pakiramdam ko. Ngayong taon lang din ako hindi nakadalaw sa sementeryo. Maintindihan naman siguro nina mama’t papa ang kalagayan ko ngayon.
Pumikit ako pero agad din akong nagmulat nang maramdaman ang presensiya ni Kian sa likod ko.
“Good morning...” Malambing niyang bati.
“Good morning din.” Bati ko at hinarap siya.
“Anong araw ngayon?”
“November 02, bakit?” Takang tanong niya. Inayos niya ang damit ko bago niya ako pinaharap sa unahan at niyakap ako.
“Simula ngayong araw, ano sa tingin mo ang mero’n sa araw na iyan kada buwan?” Nakangiti kong tanong.
"Bakit? Ano bang meron? Hindi ko alam.”
“Hulaan mo,” nakangiting tugon ko.
Ilang segundo kaming walang imikan at hindi ko naiwasang matawa sa reaksiyon niya nang iharap niya ako sa kanya. Mukhang nakuha niya na kung anong ibig kong ipahiwatig dahil sa nakikita kong pinaghalo-halong emosyon sa mga mata niya.
“Boyfriend mo na ako? Wala ng bawian iyan ha?” Tuwang-tuwang tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin, tumango-tango lang ako. Punong-puno ng saya ang puso ko at alam kong ganoon din ang nararamdaman niya.
“Alam mo, Chay, lalong gumanda ang gising at umaga ko. Words are not enough to describe my feelings right now. Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ngayong opisyal ka ng akin. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Pangakong araw-araw pa rin kitang liligawan. Maraming salamat sa pagtanggap mo sa ‘kin, Chay.” Sambit niya bago siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
Hinawakan niya ang mukha ko at inangat ito kung kaya nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa napapikit na lang ako nang muling magdikit ang mga labi namin. He’s kissing me like there’s no tomorrow. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko habang nagiging malalim ang halikan namin. Hindi ko rin inakalang siya ang makakakuha ng first kiss ko. Pareho kaming hinihingal na huminto nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nakaalalay sa akin si Kian at tinulongan akong makaupo sa higaan.
“Ang aga mo ata ngayon?” Patanong na sambit ni Kian.
“Kailangan, e,” sagot ng Ate Minnie niya. “Teka, bakit ang saya mo ata ngayon. T’saka bakit parehong namumula ang mga tainga niyo. Anong mero’n ha?”
“Huwag mo ng alamin dahil amin lang iyon ni Chay, ‘di ba?” Sambit niya habang sa akin pa rin nakatingin.
“Huwag ako, Kian, hindi bagay sa ‘yo na naglilihim kaya sabihin mo na. Bilis na para makapag-almusal na kayong dalawa.” Pamimilit ng ate niya.
“Kami na.” Nakangiting sambit ni Kian bago siya naglakad palapit sa akin at naupo sa tabi ko. Natatawa ako sa reaksiyon ng ate niya.
“Seryoso? Kayo na ng kapatid ko Chay?” Tuwang-tuwa at hindi makapaniwalang tanong niya, tumango lang ako.
NAGING masaya at masigla ang buong maghapon namin. Kumpleto ulit kami ngayong gabi. Walang tigil na congratulations ang natatanggap namin ni Kian maging sa social media account niya simula nang mag-post siya kanina ng picture namin na may dalawang lalaking emoji sa caption.
BINABASA MO ANG
Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BL
FanfictionUNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking care of their mother, he was also assigned to watch over his mother's farm with the help of his uncle...