📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!
Kian’s POV
HINDI ko alam kung bakit ako napadpad sa mala-mansyong babay na ‘to imbis na manatili sa tabi ni daddy. Namalayan ko na lamang ang sariling na sa loob na. Wala man lang katao-tao. Napakatahimik ng paligid. Napatingala ako sa second floor nang marinig kong may umiiyak na mga bata.Agad akong umakyat at hinanap ang pinagmulan ng boses na iyon. Tumambad sa akin ang apat na kuwarto. Pinuntahan ko iyong kuwartong nakabukas ang pinto sa dulo at isang chinitang umiiyak ang tumambad sa akin habang pinapatahan ang batang karga niya. Nilapitan ko sila at kinarga ang batang karga niya para patahanin ito sa pag-iyak.
“Bakit ka umiiyak? Asan ang mommy niyo?” Tanong ko habang dinuduyan-duyan si baby sa bisig ko na ngayon ay tumigil na sa kakaiyak. Titig na titig ito sa akin.
“I don’t understand you,” umiiyak niyang sabi.
“I’m asking you why are you two crying.”
“Because they’re fighting again…”
“Who?” I immediately asked her.
“Our parents. I saw daddy dragged mom outside the house. I don’t know where they are now. Please help my mother…” Pakiusap niya.
Pareho kaming dalawa na napatingin sa bintana at lumapit doon nang makarinig kami ng ingay sa baba. Isang ginang ang nakita kong halos mahubaran na dahil sa pagkaladkad sa kanya ng isang lalaking sa tingin ko ay asawa niya. Walang tigil din siya nitong sinasaktan. Duguan na rin ang pisngi nito.
“That’s our parents. Please help my mother, I’m begging you,” muling pakiusap niya. Tinanguan ko lang siya bago ko nilapag ng dahan-dahan sa higaan ang kapatid niya at dali-dali akong lumabas ng kuwarto.
Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa pinakalikod nitong bahay. Bigla akong napatago sa likod nitong mga halaman dahil may isang muskladong lalaki akong nakita na lumapit sa kinaroroonan ng dalawa.
“Nakuha ko na lahat ng pinapakuha mo sa ‘kin, boss.” Dinig kong sambit nito sabay pakita ng hawak nitong bag na hindi ko makita kung anong na sa loob.
“Mauna ka na sa sasakyan, susunod ako. Siguraduhin mong walang makakakita sa ‘yo.”
“Sige, boss.” Saka ito naglakad palayo sa dalawa.
Lalo kong siniksik ang sarili sa mga halaman at nakahinga-hinga ako nang tuluyan na itong nakaalis. Laking pasasalamat ko naman dahil nakatalikod sa akin ang ama ng dalawang bata. Agad akong naghanap ng pwedeng maging pamalo at nang makahanap ng kahoy ay maingat akong naglakad palapit sa kinaroronan ng dalawa. Buong puwersa kong pinalo sa likod ng lalaki ang hawak na kahoy sabay tulak sa kanya sa pool. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para iligtas ang babae pero pilit niya akong pinapalayo sa kanya.

BINABASA MO ANG
Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BL
ФанфикUNDER EDITING UNDER EDITING Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking care of their mother, he was also assigned to watch over his mother's farm with the help...