WDYS 21 - Unlocking The Keys

20 6 0
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert! 

Chay's POV
PA-ALA singko na ng hapon nang makarating kami ni Kuya Carlo sa Tigaon Naga. Kay Tita Emily muna ako tutal pag-aari naman ng parents ko ang bahay na tinitirahan nila at babalik ako kay Tita Marsha kung kailan ko gugustohin. Kaya sa ngayon through email ko isesend iyong mga modules ko.

Hindi man maganda ang naging trato ni Tita Emily sa akin noon, hindi ko pa rin siya magagawang talikuran dahil kahit paano may naitulong din siya sa akin. Sinasaktan man niya ako noon pero alam kong dahil lang iyon sa galit niya kay Mama. Sa amin kasi napunta ang tatlong lupain ng magulang nila kahit itong bahay. Wala silang natanggap. Kahit sabihin kong deserve naman niya iyon kasi nang dahil sa katigasan ng ulo niya kaya nagka-car accident sila Lola't Lolo.

Nanibago ako pagkakita ko sa bahay. Ang bahay na dating makulay ay ngayo'y naluma na at halatang napabayaan. Wala na rin iyong malaking puno sa harap ng balkonahe kaya ang lawak na tingnan ng bakuran. Sira-sira na rin ang mga bakod.

"Tita Emily..." Tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa gripo. Namayat siya ng husto at nagmukha siyang losyang ngayon. Iba rin ang putla ng maputi niyang kutis. May sakit ba siya?

"Chay, ikaw ba 'yan?" Tanong niya habang palapit siya sa akin. Tumango ako at saglit siyang niyakap. "Akala ko hindi ka na babalik dito dahil sa mga pinaggagawa ko sa 'yo. Sana mapatawad mo 'ko – kami ng mga anak ko't ang Tito Emmanuel mo."

"Matagal ko na po kayong pinatawad. Kalimutan mo na po iyon, magsimula po ulit tayo. Namiss ko po kayo."

"Mama luto na po ang hapunan!" Boses iyon ni Kc, ang bunso niyang anak. Nakasuot pa ito ng uniform at gulat na gulat siya nang makita ako.

Nilingon ko si Kuya Carlo. "Kuya pasuyo na po sa loob ng mga gamit natin, susunod po kami."

"Kuya Chay? Ikaw na ba 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Bakit may iba ka pa bang kilala rito na nagngangalang Chay? Hindi ba ako lang? Ako ito, ang Kuya Chay mo."

Ngumiti siya at tumakbo palapit sa akin. "Sorry po..."

"Kalimutan na natin ang mga nangyari noon."

"Doon na tayo sa loob magkwentuhan habang kumakain ng hapunan. At bakit nga pala hindi mo kasama ang Tita Marsha mo? Saka sino rin iyong lalaking kasama mo? Kalaking tao, a. Nakakatakot." Sambit niya at natawa naman ako dahil ginaya niya pa kung paano tumayo si Kuya Carlo. Pumasok na kami sa loob at mas lalo akong nanibago. Walang maayos na lalagyan ang mga gamit tapos puro kalat sa sahig. Amoy malangsa na parang may patay na hayop akong naaamoy nang sumama ako kay Kc sa kusina.

"Pasensiya na kung sobrang kalat... Hayaan mo lilinisan namin lahat 'yan. Nakakahiya naman kasi sa 'yo."

"Huwag na po. Ako na pong bahalang maglinis dito, magpahinga ka na lang po."

"Tutulongan na po kita tutal half day lang naman po ang klase ko nang makabawi man lang ako. Pasensiya na po talaga, kuya."

"Sige ba, hindi kita pipigilan kung iyan ang gusto mo pero ayokong marinig na magrereklamo ka."

Sabay-sabay kaming naghapunan at pasado ala-syete na ng gabi nakauwi si tito kasama si Scarlet. Pareho silang hindi makapaniwala at gulat na gulat nang makita ako kanina. Pinakilala ko na rin sa kanila si Kuya Carlo.

"Matanong ko lang, bakit kinailangan mo ng bodyguard?" Tanong ni Tito habang kumakain sila ni Scarlet. Saglit kaming nagkatinginan ni Kuya Carlo bago ko sinagot ang tanong niya.

"Muntik na po kasi akong ma-rape."

Naibuga ni tito ang mga pagkain sa bunganga niya at hindi ako makapaniwalang tinitigan, inabutan naman siya ng tubig ng Scarlet. Nang lingunin ko si tita ay ganoon din siya. Halos pare-pareho sila ng mga reaksyon.

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon