📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!
Kian’s POV
BANDANG ala sais kaninang umaga nang dumating kami rito sa SORDOC. Nagsuot muna ako ng hospital gown bago pumasok. Naupo ako sa upuan at hinawakan ang kamay niya. Gustong-gusto ko ng marinig ang boses niya pero wala akong magawa kung ‘di ang maghintay kung kailan siya magigising. Mariin akong napapikit nang maalala ko ang mga masasayang araw namin sa Camp Taboc.“Kalma lang, C2 lang iyan.” Ani Jino at inabot ang baso kay Chay pero ako ang kumuha no’n para siguraduhing nagsasabi nga siya ng totoo.
Gabi na niyan nang umuwi kaming dalawa sa camp galing sa tambayan. Tumambad sa amin ang mga katutubong nagsasayawan at mga volunteers na nagkakasiyahan sa tabi ng bonfire, pumapalaklak ang ibang mga nakaupo habang kinakanta ang kanta ng mga aetas. Kumaway sa amin si Yohan at sumenyas na pumunta sa gawi nila ni Jino, may sinuot sila sa aming kwentas na gawa sa bulaklak.
“Para saan naman ‘to?” Takang tanong ko.
“That’s a welcome party for the two of you.” Yohan says at mayamaya lang may humila kay Chay na dalawang bata.
Hindi ko maalis ang atensyon ko kay Chay dahil aliw na aliw ito sa pagsayaw. Naupo ako sa kahoy na upuan at kinuha sa bulsa ang cellphone para bidyuhan siya. Hindi ko namamalayang kanina pa pala ako nakangiti habang pinapanuod siya. Ganito ang gusto ko — ang makita siyang nakangiti at nagi-enjoy. Siguro kung wala siya o kung hindi ko siya kasama ay hindi siguro ganito kasaya ang pag-stay ko rito.
Isa pa sa mga magagandang nangyari sa amin sa camp Taboc ay ‘yong inabot kami ng twelve midnight sa labas ng kubo dahil pinapanuod namin ang ganda ng kalangitan. That was the moment na mas lalo akong nahulog sa kanya. Hindi ko maipagkakailang mas lumalalim lalo ang pagmamahal ko sa kanya sa tuwing magkasama kami.
“Huwag mo naman sana akong iiwan, Chay.” Umiiyak kong sambit at hinalikan siya sa noo. “Masyado pang maaga para mawala ka sa ‘kin.”
Agad kong pinunasan ang mukha nang marinig ang pagbukas ng pinto at naamoy ang pabango ni Ate Amber kaya alam kong siya ang pumasok.
“Your crying again?” Tanong niya nang makalapit na siya sa akin.
“Napuwing lang ako,” pagsisinungaling ko.
“Hindi mo ‘ko maloloko, Kian.” Sambit niya at tinarayan ako.
“Hindi ko na kasi kayang nakikita siyang ganito. Mas gugustuhin kung ako ang nakahilata d’yan at hindi siya. Kung anu-ano na rin ang naiisip ko dahil natatakot ako na baka iwan niya tayo,” sabi ko.
“Ano ka ba, hindi siya mawawala sa ‘tin. Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan. Hindi siya pababayaan ng mga doktor.” Sabi niya at tumango-tango ako.
“Sikapin mong huwag umiyak kasi pano kung bigla siyang magising at makita ka niyang umiiyak, for sure mag-aalala s’ya. Alam kong ayaw mong mangyari ‘yon. Saka may tiwala ako sa batang ‘yan na kakayanin niya. Siya iyong tipo ng batang hindi kaagad sumusuko,” dagdag niya.
“Sana nga...” malungkot kong sambit.
Chay’s POV
Nanlalabo ang buong paningin ko nang imulat ang mga mata. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko at panunuyo ng aking lalamunan.“Chay? Salamat naman sa Diyos dahil sa wakas nagising ka na.” Nilingon ko ang pinagmulan ng boses na iyon at nang tuluyang luminaw ang paningin ko ay nakita ko si Ate Carla, kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na kagalakan.
Tinulongan niya akong bumangon at isinandal ako sa headboard saka niya ako pinainom ng tubig. Pumikit akong muli habang abala siya sa pagtawag ng nurse sa labas dahil sumasakit ng kaunti ang ulo ko. Ilang sekundo lang ay may mga nagdatingan ng nurse at doctor para suriin ang kalagayan ko. Naunang lumabas ang doctor bago ang nurse na naka-in charge sa akin dahil sinigurado muna nito na wala akong sinat. Naghihina kong hinarap si ate dahil naririnig ko siya na parang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BL
FanficUNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking care of their mother, he was also assigned to watch over his mother's farm with the help of his uncle...