WDYS 3 - First Meet

78 8 0
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!

Chay’s POV
NAGISING ako sa ingay na naririnig ko mula sa baba. Naupo ako sabay kuha ko ng panyo sa tabi ng unan para punasan ang sarili dahil pawis na pawis na naman ako. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla iyong sumakit at nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Binuksan ko ang lampshade saka kinuha sa drawer ang salamin ko. Saka lang ako tumayo noong bumalik na sa dati ang pakiramdam ko. Kinuha ko sa likod ng pinto ang nakasabit kong knitted jacket at sinuot iyon saka ako lumabas ng kwarto.

Napatingin muna ako sa baba ng hagdan at napakunot noo nang makitang tuwang-tuwa ang dalawang katulong ganoon din sina Kuya Greggy at Kuya Atoy na tinitingnan ang laman ng kahon na abot hanggang baywang nila. Habang si Tita Marsha ay nakatayo lang at nakatingin sa kanila.

Saka ko lang napagtanto kung anong nangyayari nang tuluyan na akong makababa ng hagdan. Nawala ang antok ko nang mamukhan ko ang binatang nakatayo sa tabi ni Ate Amber habang nakaupo naman sa sofa ang mommy nila. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata at sinapak ang sarili para malaman kung nananaginip lang ba ako.

“Bakit mo naman sinapak ang sarili mo?” Natatawang tanong sa akin ni Ate Amber at pinalapit ako sa kinaroroonan nila.

“Kian, this is Chay. Siya ang tinutukoy ko sa ‘yo noon na pamangkin ni Auntie Marsha.” Nakipagkamay siya sa akin at pinakilala ang sarili.

“I’m Kian, nice meeting you,” cold niyang sabi.

“Nice meeting you too, Kuya Kian,” nakangiting tugon ko.

Pagkatapos no’n ay walang pasabi siyang umalis sa harapan namin. May mga kinuha siya sa loob ng isang karton. Lumapit ako sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko. Nag-aalinlangan kong kinuha sa kamay niya ang hawak niyang isang kahong puno ng mga chocolates at imported snacks.

“T-thank you po,” pasasalamat ko. Babalik na sana ako sa kinaroroonan ni Ate Amber pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

“Did you drink alcohol ba like wine?” Tanong niya saka binitawan ang kamay ko at namulsa, agad naman akong umiling.

Wala sa isip kong uminom ng alak dahil natatakot akong makagawa ng bagay na maaaring pagsisihin ko oras na malasing ako. Kapag nagkataong mangyari iyon, baka magpalamon kaagad ako sa buwaya sa sobrang hiya at ayoko ring makantiyawan ng tatlo kong kaibigan.

“Okay um ilang taon ka na ba?”

“Nineteen po,” I replied.

“Not bad.” Saad niya at inabot sa akin ang isang wine bottle na nakalagay pa sa kahon.

“Hoy! Kian, loko ka talaga,” sambit ni Ate Amber.

“Isipin mo na lang din na pasalubong ko ‘yan sa iyo. Wala naman kasing binabanggit sa akin ‘yang kapatid ko na rito pala nakatira sa bahay ang pamangkin ni Auntie Marsha,” paliwanag n’ya saka niya nilingon ang ate niya. “Stop being overreacting, sis. Beside he’s not a minor anymore. Remember may iba nga d’yan na wala pa sa legal age pero talamak na sa alak. It’s just a wine saka this is your fault, tutal kaibigan mo siya saka rito siya sa atin nakatira, dapat sinabihan mo ‘ko.”

“Okay, okay. Fine! I’m sorry.” Sambit ni Ate Amber saka naupo sa tabi ni Ma’am Lea. “At saka kahit wine lang ‘yan, nakakalasing pa rin naman ‘yan kung napaparami tayo ng inom. Ibalik mo sa kanya iyang hawak mo Chay.”

“Kuy--,” hindi ko na naituloy ang sasabihin nang bigla akong sinamaan ng tingin ng kapatid niya.

“Kunin mo na iyan Chay pero huwag ka munang susubok na uminom.”  Sambit ni Ma’am Lea, tumango lang ako at nagpaalam na sa kanila.

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon