📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!
Kian’s POV
BANDANG alas otso ng umaga nang magising ako. Mukhang lahat sila ay umalis maliban kay Chay dahil hanggang ngayon tulog pa rin ito. Mukhang maagang namalengke ngayon ang mga katulong. Hindi ako sanay na ganito ka tahimik rito sa bahay kahit na ganitong-ganito rin naman ang sistema noong na sa ibang bansa pa ako.Nagtungo ako sa hapagkainan at tiningnan ang ilang mga nakahaing pagkaing may takip sa lamesa. Hindi ko gustong kumain ngayon ng mga frozen food kaya hindi muna ako kumain. Maghihintay na lang ako kay Chay dahil sa kanya ako magpapaluto ng Lucky Me na may itlog kahit marunong naman akong magluto.
Bumalik ulit ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Bibigyan ko na ngayon ng tono iyong kantang ipinangako ko sa kanya.
This song is about the two person who is in love to each other not until one of them got sick. An illness that cause their heart turn to pieces and decides to spent the remaining time to be with each other. But the title will be on Chay.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang naging tema ng kantang ginawa ko. Basta ang naaalala ko lang habang ginagawa ko ‘to at na sa tabi ko si Chay ay may kung anong kakaiba akong naramdaman.
Paglingon ko sa hagdanan ay nakita ko na si Chay na dahan-dahang humahakbang pababa ng hagdan habang pumipikit-pikit pa ang mga mata. Kahit anong oras ay pwede itong ma-out of balance. Umayos siya ng tayo nang makita ako. Parang antok na antok pa rin talaga siya kahit ilang minuto na lang alas nuebe na.
“Good morning po,” matamlay niyang bati.
“Morning too. Ba’t parang antok na antok ka pa rin? Anong oras ka ba natulog?”
Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang unan at niyakap iyon. “Hindi mo naman po sinabi sa akin na madaldal pala si Kuya Ace saka si Ate Minnie. Nahiya pa po silang sabihing huwag na akong matulog kagabi.”
“Anong oras ka ba pinatulog kagabi ng dalawa?” Natatawang tanong ko.
“Mga bandang alas tres na ata iyon kasi bumaba pa nga po ako para kumain, nagutom kasi ako. Nadatnan ko rin po si Ate Amber sa swimming pool kagabi at may isang bote siyang hawak na wine. Hindi ko na po siya nilapitan kasi hindi na kaya ng tiyan ko ang gutom. Doon din nga po sila natulog sa kwarto ko. Kaya para akong nagmumukha third wheel kagabi at the same para akong kawawa.”
“Nagmukha kang kawawa? How?”
“Kasi naman po, lalo nilang pinaramdam sa akin ang pagiging single ko. Pero no worry kasi nakakatuwa po silang dalawa. Iyon nga lang halos hindi po ako patulugin kagabi…” aniya at ngumiti. Ngiting bigla na lang nagpatigil at nagpatulala sa akin sa ‘di malamang dahilan.
“Kian, ayos ka lang?” Sabay tinapik-tapik ng mahina ang braso ko.
“Y-yes, I’m fine. Bigla lang nag-loading ang utak ko.” Sagot ko at umiwas ng tingin. “But by the way, I have a favor. Can you cook Lucky Me with eggs? Hindi ko kasi gustong kumain ngayon ng nakahain sa lamesa.”
He smiled. “Sure! Saktong iyan din po ang gusto kong ulamin ngayon.”
“Thank you… Dito na lang kita hihintayin at dito na rin tayo kumain.” Tumango lang siya at umalis na sa tabi ko. Ilang sekundo lang may ingay na akong naririnig sa kusina kaya sigurado akong nagsisimula na siyang magluto.
Bukas may pasok na siya kaya pokus ang atensyon ko sa project niya para pagkatapos naming kumain ay ituturo ko na sa kanya kung ano’ng tono ng kanta. Pinalitan ko kaagad ang verse two at last part ng kanta nang maalala ko ang napanaginipan ko kanina.

BINABASA MO ANG
Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BL
FanfictionUNDER EDITING UNDER EDITING Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking care of their mother, he was also assigned to watch over his mother's farm with the help...