WDYS 17 - So Lucky To have You

27 5 0
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!

Amber's POV
AGAD kong nakita si Clark kasama ang mommy saka ate niya sa labas ng exit area. Tinulongan niya ako sa mga bitbit ko bago niya ako hinalilan sa noo. Nang tingnan ko ulit ang mommy niya ay masama ang tingin nito sa akin.

"Hi mom," nakangiting bati ko sa kanya. Napipilitan naman siyang ngumiti sa akin at niyakap ako ganoon din ang Ate Cheska niya.

Nagkaganiyan lang sila simula no'ng malaman nilang galing ako sa mahirap na pamilya. Pinagpanggap ko rin noon si Kian nang isama ko siya rito dahil ayoko munang ipaalam sa kanila na artista siya. Gusto ko kasing hulihin ang totoo nilang mga ugali at nagawa ko na ito noon sa pamilya ng yumao kong asawa.

Gusto nilang hiwalayan at layuan ko si Clark pero hindi ko ginagawa at kahit mahirap ay susugal ako dahil may isang tao pa akong pinanghahawakan, 'yon ay ang bunso niyang kapatid. Isang buwan may kalahati na lang naman ang hihintayin ko para ikasal na kami rito. Pagkatapos no'n sa Pilipinas muna kami pansamantalang maninirahan bilang pangako niya sa akin.

Pagdating namin sa mansyon galing sa airport ay sinalubong ako ng yakap at halik ni Mae. Ayaw ng humiwalay sa akin ng bata kung hindi lang siya kinuha sa akin ng kapatid ni Clark. Dumeretso na lang kami ni Clark sa kwarto namin. Kasama ko siyang natulog at paggising namin maghahapunan na pero sinabi kong hindi muna ako sasabay dahil inaantok pa ako.

Madaling araw nang magising ako. Nadatnan ko sa sala si Clark habang nagkakape, nilapitan ko siya. Saglit kaming nagkuwentohan tungkol sa kasal namin saka niya ako sinamahan kumain ng dinner.

MAAGA akong gumising para ipagluto si Clark at Mae ng breakfast. Pero hindi ko naman inakalang maging sa mga luto ko ay kukuntrahin din ng mag-ina. Pinalabas nilang sinadya kong magluto ng seafood para ma-trigger ang allergy ng Ate Cheska niya. Nagalit pa sa 'kin si Clark no'ng sinubukan kong magpaliwanag.

Ngayon niya lang ako hindi pinakinggan at sinigawan kaya sobra akong nasasaktan ngayon. Hindi ko naman magawang sisihin ang sarili dahil wala naman akong ginawang mali. Hindi naman talaga seafood ang niluto ko kung 'di adobo dahil napag-usapan na namin iyon kagabi ni Clark.

Hindi ko na namalayan ang oras at nakatulog na pala ako ng hindi kumakain ng hapunan. Humarap ako sa kanan, mahimbing ng natutulog ngayon si Clark habang nakatalikod sa akin at magkapareho kami ng suot na pantulog. Ito ang unang beses na hinayaan niyang matulog kami na hindi magkaayos. Iniisip ko na lang na baka napagod ito saka kasalanan ko naman kasi nauna akong natulog kaysa hintayin siya.

Maingat akong bumangon at kinuha sa ilalim ng unan ang cellphone ko. Dahan-dahan akong humakbang palabas ng kuwarto namin. Hindi ko alam kung bakit sa pool area ako dinala ng mga paa ko at ni magsuot ng long coat hindi ko na nagawa. Binuhos ko lahat ng hinanakit at mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang makarating na ako. Mukha namang nakikiayon sa akin ang panahon.

Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring ito at rumehistro ang pangalan ni Kian. Unang beses niyang tumawag sa akin sa ig. Kinalma ko muna ang sarili bago sinagot ang tawag niya. Kagaya ko ay tatlong araw na rin siya ngayon sa Australia. Magkasabay lang naman kasi kaming umalis.

"Sis... good evening," panimula niya.

"Napatawag ka?"

"Hindi kasi ako makatulog."

"Bakit? Uminom ka ba ng kape kaya hindi ka makatulog?"

"Hindi, alam mo namang bihira akong uminom ng kape," agad niyang sagot.

"Mabuti naman kung ganoon. Kuwentohan mo nga ako ng mga ginawa mo ngayong araw para naman updated ako, puwede?" Tanong ko at napangiti naman ako nang um-okay siya.

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon