WDYS 11 - Maling Akala

32 5 0
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!

Chay’s POV
Ilang araw na ang nakalipas at mas lalo kaming naging close sa isa’t isa ni Kian. Sa kuwarto ko rin natutulog ngayon ang kambal dahil nasira ang kama nila at hanggang ngayon hindi pa iyon napapaayos o napapalitan. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang doon sa guest room sila matulog.

“Ready ka na ba sa mga long quizzes natin, Chay?” Tanong sa akin ni Francis na kararating lang, tumango lang ako. Kasunod niyang pumasok si Shairy na naka-zombie mode ngayon.

Ilang sekundo lang nakatanggap ako notification galing sa ig ko, new follower at one message. Si Kian lang pala, gamit ang private account niya.

“Hi! Good luck sa long quiz niyo, Chay. I know you can do it. I trust you,” basa ko sa message niya.

Namalayan ko na lamang ang sariling nakangiti at dahil katabi ko si Lyka, kitang-kita niya ang ekspresyon ng mukha ko.

“Iyang ngiti mong ‘yan parang may something, a. Spill the tea ka naman d’yan.” Napalingon kaagad sina Francis at Shairy sa amin dahil sa boses niya.

“Wala.” Tipid kong sambit at tinago na sa bag ang cellphone ko.

Hindi pa man ako nakakaayos ng upo nang kunin ni Shairy sa bag ang cellphone ko at binigay kaagad iyon kay Lyka, alam kasi nito ang password. Parehong ngiting-ngiti ngayon ang dalawa.

“Sabi ko na nga ba!” Nagsusumigaw na sambit ni Lyka at pareho sila ni Shairy na makahulugang tumitig sa akin. “Hindi mo naitatanong Chay pero ship ko talaga kayo niyang si Sir Pogi.”

“Partida kasali pa siya sa gc tapos kasama pa ang mga kapatid at mga in-laws. Naloloka ako ngayon. Ano ba kayong dalawa?” Tanong ni Shairy na siyang nagpatahimik sa akin.

“Kayong dalawa, ibalik niyo na nga ‘yan kay Chay. Magsipag-review na lang kayo hindi iyong nang-aasar at nanghihimasok kayo. Kapag ‘yan naman sumimangot, isang malaking good luck at suyo well sa inyong dalawa.” Dinig kong sambit ni Francis pero nananatili akong tulala at iniisip ang naging tanong ni Shairy.

“Oi, Chay, heto na. Sorry na.” Natatakot na sambit ni Lyka.

“Ayos lang. Nabigla lang talaga ako sa tanong ni Shairy. May napapansin ba kayong kakaiba kaya natanong mo ‘yon Shai?” Hindi kaagad nakapagsalita si Shairy nang maunahan siya ni Francis, nakaupo siya ngayon sa lamesa ko habang nakakibit-balikat.

“Let me answer first. Yes, I can tell it the way he looks at you.”

“I agree with Francis. We already know that he likes men and it’s not impossible to happen. But how about you? Do you feel the same way ba?” Tanong ni Shairy. Hindi ko sila inimik at nananatiling nakatikom ang bunganga ko.

“Chay… You know what? There’s nothing wrong if you say yes and that you have feelings for him, too. All we can do is to support you and be always on your side.” Kalmadong sambit ni Lyka, tumango-tango naman ang dalawa.

“And other than the way he stares at you, I feel that he really likes you. I know you feel that Lyka and Shairy, isn’t it? Hindi naman kayo mga bulag at manhid. Alam ko kapag in love ang isang lalaki kaya hindi ako puwedeng magkamali.” Pareho namang sumang-ayon ang dalawang dalaga.

“Don’t you notice what we noticed?” Shairy asked me.

“Hindi saka kung gusto man niya, bakit hindi niya sabihin? Hindi ba dapat kapag gusto natin ang isang tao ay sinasabi natin? I mean umaamin tayo.”

“Not all the time we have to confess what we feel to that person, Chay.” Seryosong sambit ni Shairy at tumango ang dalawa.

“Just because we like someone doesn’t mean we always have to admit it. There are some people who choose to hide their feelings, especially, if that person was their best friend. So to avoid any worse heartbreak, they do that. Maybe he’s still confuse about his feelings or maybe he’s scared,” sambit naman ni Francis.

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon