WDYS 2 - Overnight

72 7 1
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!

Chay’s POV
NATIGIL ako sa pagpupunas ng mga bintana nang makitang may tumulong dugo sa sahig. Hinawakan ko ang ilong ko at may nakita akong sariwang dugo. Tumakbo ako papunta sa salamin para tingnan ang sarili. Imbis na mag-panic ay kumuha ako ng panyo at saglit na naupo sa upuan at ni-relax ang sarili.

“Chay?” Lumingon ako sa pintuan at nakita ko si Lyka. Naglakad siya palapit sa akin at nag-aalala akong tiningnan.

“Ayos ka lang?” Tanong niya at tumango lang ako. “Ako ng maglilinis for you kahit hindi naman ako cleaners, pahinga ka muna d’yan.”

Tanging tango lang ang ginagawa ko sa tuwing kinakausap at tinatanong niya ako. Siya ang isa sa mga matalik kong kaibigan na madalas ay tagapagtanggol ko noong nabu-bully pa ako. Baligtad nga kasi ako ang lalaki kaya dapat ako ang nagtatanggol sa kanya.

Imbis na tumanganga ay tinulongan ko siya kahit na pinapagalitan at pinipigilan niya ako. Siya sa mga bintana at ako naman ang nagwawalis sa sahig. Huminto ako sandali nang biglang mandilim ang paningin ko.

“Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong niya at tinanguan ko lang siya. “Nga pala, ayos lang ba kung mag-overnight kami nina Shairy at Francis sa inyo? Gawin natin iyong sa groupings saka reportings natin. Tutal wala naman tayong masyadong gagawin dito bukas hanggang biyernes. Kaya nga kahit alas otso na raw tayo dumating sabi ng mga subject teachers at SSG kanina.”

Nakakunot ang noo kong nilingon siya. “Bakit daw?”

“Hay naku, sure ka ba talagang wala kang problema? Halos buong maghapon parang wala ka sa sarili.”

“Wala akong problema, inaantok lang talaga ako.”

“Same.”

“Pero bakit nga at anong meron bukas?” Pag-uulit ko.

“Buong maghapon bukas ay may practice iyong mga sasayaw sa Acquaintance Party, maglilinis ang ibang mga students sa buong campus tapos sa labas ang iba, at pagkahapon naman may meeting ang mga teachers sa ICT building. By friday morning naman sila magsisimulang mag-design sa stage. Kasi ang balita ko kanina, by friday night na raw ang party hindi na sabado. At sa lunes naman may mga bisitang pupunta rito,” paliwanag niya.

“I see, hindi nga talaga ako nakikinig kanina.” Napakamot ako sa batok saka nagpatuloy sa pagwawalis. “Pero wala namang problema sa akin na mag-overnight kayo rroon. Iyon nga lang kailangan ko munang magpaalam kay tita at kayo rin sa mga magulang niyo.”

“Ghe ba! Puntahan ko lang sa SSG faculty room si Shairy, babalik ako.” Tinanguan ko lang siya at hinayaang umalis.

Nagpatuloy ulit ako sa paglilinis hanggang sa matapos ako. Amoy pawis na ako ngayon at basang-basa ang damit ko. Agad kong kinuha sa bag ang panyo at sinapin iyon sa likod ko. Sinara ko na ang mga bintana bago ko sinukbit ang bag ko at lumabas ng room.

Isang dalaga ang nakita kong nakatayo malapit sa katabi naming room habang busy sa pagsi-cellphone. Morena siya na mahaba ang buhok at may matangos na ilong saka mala-pinkish na labi, sakto lang din ang tangkad niya.

“Ate Clara.” Tawag ko sa kanya habang palapit ako.

Pinsan ko siya sa father side at kamamatay lang ng dalawa niyang kapatid last year dahil sa pagkalunod. Sakay sila ng bangka no’n kasama ang kaanak nila para tumawid sa kabilang bundok. Sa pagkakaalam ko ay para roon mag-hiking at mag-camping ng tatlong araw.

“Ano pong ginagawa mo rito, ate?” Takang tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.

“Nag-book ako ng appointment for your check up sa saturday, day off ko kasi that day”

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon