📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!
Kian’s POV
“KIAN tara na!” Dinig kong sigaw ni Ate Amber sa baba.Saktong paglabas ko ay siya namang pagpasok ni Chay sa kuwarto niya. Kumunot pa ang noo ko dahil ang lungkot ng mukha niya. Nang sumilip ako sa loob ay naririnig ko siyang umiiyak. Bale nakaharap siya sa bintana at nakatalikod sa akin. Papasok na sana ako para kausapin siya pero hindi iyon natuloy dahil sa lakas ng sigaw ni Ate Amber sa baba.
“Kian ano ba?!” Galit ng sigaw ng kapatid ko, dahan-dahan kong sinara ang pintuan ng kwarto niya saka ako bumaba.
“Nakita mo ba si Chay?” Tanong niya nang makababa na ako.
“Kung sasabihin ko bang hindi, maniniwala ka?” Inirapan niya ako at lumabas na ng bahay. Pinuntahan ko muna si mommy sa kwarto niya para magpaalam.
“Ba’t ba parang ang init ng ulo mo ngayon?” Tanong ko nang pareho na kaming na sa loob ng sasakyan. “Nag-away ba kayo ni Clark kaya ganyan ang mukha mo?”
“None of your business.” Sabay paharurot ng sasakyan. Muntik pa akong masubsob at mauntog sa bintana kung hindi lang ako nakasuot ng seat belt.
“Magdahan-dahan ka naman! Ayoko pang mamatay. Nagsabi ka rin sana kanina kung wala ka sa mood magmaneho hindi iyong ganito,” inis kong sambit. Damang-dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa takot.
“Just shut up!” Bulyaw niya sa akin kaya nanahimik na lang ako. Nilingon ko siya nang maramdamang dahan-dahan na ang paandar niya ng sasakyan.
“What?” Inis niyang tanong sa akin at saglit akong tiningnan.
“Nothing, just please be careful. Masyado pang maaga para mamatay tayo saka hindi ko pa nga nakikilala ang lalaking mamahalin at pakakasalan ko. Kaya huminahon ka at baka mapano tayong dalawa. Saka ayoko na ulit mag-agaw buhay,” paalala ko at napipilitan naman siyang tumango.
“I’m sorry…”
“It’s okay, just calm down,” tanging nasabi ko.
Si Liam kaagad ang unang nakita ng mga mata ko nang makababa na ako ng sasakyan. Abala itong nakikipag-usap sa mga nagtatrabaho rito. Kung sa bagay, siya na ngayon ang assistant manager dito. Ganoon pa rin naman ang pangangatawan niya, payat pa rin. Napasimangot naman ako nang makita ang lalaking naglalakad palapit sa amin, si Angkul Jepoy. Pagtingin ko kay ate ay nakatingin na pala siya sa akin. Tinapik-tapik niya ng mahina ang braso ko at tinanguan ako.
Itinuon ko na lamang ang buong atensyon sa lawak ng farm habang nag-uusap silang dalawa sa tabi ko tungkol sa sales data. Sobrang laki na ng pinagbago nito. Mas lalo itong gumanda at ang lulusog tingnan ng mga gulay. Ang dami na ring mga halamang namumulaklak ngayon kumpara noon. Naaaliw din akong tingnan iyong pagkaka-organize ng mga halaman sa taas. Ang kyut din tingnan ng pathway papunta sa kabila kung saan matatagpuan ang Dairy Farm.
“Hindi ba si Kian ang binatang iyan? Artista na s’ya ‘di ba?” Dinig kong sambit ng ginang sa ‘di kalayuan. Sa Pilipinas ka lang talaga makakikita ng mga taong nagbubulungan na nga pero halos singlakas ng microphone.
“Hindi lang ‘yan artista, singer din ‘yan,” pagtatama ng isang ginang na may hawak na hedge shears. “Idol na idol nga ‘yan ng mga pamangkin ko.”
“Pinagpala talaga ang pamilya ni Madam Lea. Nakakainggit.” Singit no’ng na sa kanang bahagi ng ginang habang naglalagay ito ng mga bougainvillea sa ‘di gaanong kalakihang paso.
“Doon tayo sa office.” Yaya ni ate sa masungit na tono.
Sinundan ko lang sila ni Angkul Jepoy habang tinitingnan ang ganda at lawak ng farm. Agad akong napaiwas ng tingin nang lumingon si Liam sa gawi namin.
BINABASA MO ANG
Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BL
Fiksi PenggemarUNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking care of their mother, he was also assigned to watch over his mother's farm with the help of his uncle...