WDYS 16 - Welcome To Australia

22 5 0
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!
🎶 The song lyric below is made my me.

Kian’s POV
SAMPUNG minuto na lang na sa hotel na kami ni Andrew. Hindi ko inakalang maging dito sa hotel ay dudumugin ako. Hanggang ngayon din iniisip ko kung paano nila nalamang ngayong araw ang dating ko at kung saang hotel kami manunuluyan ng pansamantala. Wala naman kasi kaming p-in-ost na specific day kung kailan kami darating dito. Hindi na muna ako lumabas ng sasakyan hangga’t hindi nagbibigay ng signal si Andrew.

Ilang saglit lang kumatok siya sa bintana at sinenyasan akong lumabas na. May mga hotel guards ng nakapaligid ngayon sa daraanan namin. Habang kalmadong naglalakad ay bigla akong huminto dahil may narinig akong sumigaw ng napakalakas, boses lalaki iyon. Pareho naming hinanap ni Andrew ang pinagmulan ng boses na ‘yon. Nahanap namin iyon sa pinakadulong bahagi habang pilit na tumatalon para lang makita ako.

“Kian! Today was my daughter’s eighteenth birthday. I’m with her boyfriend, too. You are one of her favorite idol and I hope you can greet her. She’s been waiting for you to visit our country. Please…” muling sigaw nito nang magtama ang mga mata namin. Dalawa silang kumaway nang kawayan ko siya at napangiti ako nang makita kung gaano sila kasaya sa simpleng pagkaway ko. Binulongan ko si Andrew na palapitin sila sa akin at kaagad naman siyang kumilos.

Habang naghihintay ay pumipirma ako ng ilang mga magazines at nakikipag-usap sa mga fans ko. Nilingon ko ang gwardiyang na sa kanan ko nang kalabitin niya ako at may inabot sa akin na dalawang tulip bouquets. Hindi lang din iyan dahil marami pang nagpaabot. Walang tigil naman akong nagpapasalamat lalo na do’n sa ginang na nagpaabot ng tatlong boxes ng cookies.

Mga ilang minuto rin ata akong naghintay bago sila tuluyang nakalapit sa akin habang parehong habol ang hininga at pawisan. Inabutan ako ni Andrew ng gel pen para pirmahan ang dala nilang album, damit na may picture ko, at isang magazine. May dala ring lomo card itong binata na isa-isa kong pinirmahan. Tuloy lang ako sa pagpirmi at nang mangalay ay walang kaarte-arte akong naupo sa sahig. Ito namang si Andrew ay pilit akong pinapatuyo pero hindi ko siya pinapansin. Kung tatayo ako, mas lalo akong mahihirapan sa pagpirma.

“Stop disturbing me…” halos pabulong kong sambit nang akmang hahawakan na naman sana niya ang braso ko. Marami-rami pa ang natitira at aaminin kong nakakangalay sa kamay lalo na hindi ako sanay pumirma ng marami. Nang matapos ay tinulongan ako ni Andrew na maayos iyong mga lomo cards saka ako tumayo.

“Can I have your phone, sir?” Tanong ni Andrew nang makatayo na ako.

“May I know her name?” I asked the father.

“Ella, that’s her name and she’s with her child.” Nakangiti niyang tugon at inakbayan ang kasamang binata na halos kasing edad lang ata ni Chay.

“And you are the father of her baby, am I right? Is her child a girl or boy?”

“Yes, I am and they’re twins, sir,” proud niyang sagot.

“Wow! Congratulations to both of you,” I said before I looked at the camera and smiled. “Hello, Ella! Happy eighteenth birthday. I hope to meet you and your child someday. I’m sorry because I can’t greet you personally. And of course, I want to say thank you for being one of my fans. As for my greetings, I hope you are happy and always be healthy, Ella. Take care of your baby too. Just like what I always said, don’t give up no matter how hard the battle is. Face the battle that God made for you because this is life. More blessings and more birthday to come. Once again, happy birthday Ella.” Pagkatapos ay binigay kaagad ni Andrew pabalik ang cellphone sa tatay nitong si Ella.

“I know it’s impossible for you to come but I still want to give this to you.” Sabay abot sa akin ng napaka-simple pero magandang birthday invitations at nakipagkamay silang dalawa sa akin.

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon