WDYS 5 - Check Up

44 5 0
                                    

📌 Some part is base on my imagination only and understanding on what I have search. You can correct me if there are some part that is wrong, but do it in a nice way. This is also unedited.
Thanks! Enjoy reading.

Amber’s POV
PATAPOS na ako kumain ng umagahan nang makita ko si Chay na bihis na bihis.

“Where are you going?” I asked him and sip my coffee.

“Sa centro po, nagpapasama po sa akin si Ate Clara mamili ng mga gamit sa bahay nila ni Kuya Alex.”

“Saan ba kayo magkikita? Ihatid na kita at bakit ganito kaaga? Alam na rin ba ito ng mga kaibigan mo o ni auntie?” Sunod-sunod kong tanong at akmang tatayo na sana nang pigilan niya ako.

“Hindi na po, ate. Na sa waiting shed na raw po sila sa may simbahan naghihintay. At pakisabi na lang po kay tita na umalis ako kasama si Ate Clara. Iyong mga kaibigan ko po, kagabi ko pa po sila nasabihan. I-text na lang din po kita kung anong oras po ako uuwi.”

“Hindi ka man lang ba muna kakain ng breakfast?” Tanong ko.

“Hindi na po at salamat na lang.” Tinanguan ko lang siya at pinaalalahanang mag-ingat saka huwag lalayo sa dalawa lalo na ngayong may kumakalat na tsismis na may nangunguha na naman ng mga bata.

“Yaya Villma may ipapasuyo ako sa ‘yo!” Pasigaw kong sambit dahil na sa pool area lang siya.

“Ano po iyon, ma’am?”

“Pakisundan mo nga si Chay pero huwag kang papahalata,” utos ko.

“Sige po.” Tugon niya at dali-daling umalis sa harapan ko.

Pagkatapos kong mag-umagahan ay dumeretso ako sa likod. Masyado pa kasing maaga para maligo. Nadatnan kong nagdidilig ng halaman si Kuya Greggy.

“Good morning,” bati niya sa akin.

“Good morning, too. Nag-umagahan ka na ba kuya bago ka nagsimulang magtrabaho?” Tanong ko habang palapit sa kanya.

“Hindi pa pero nagkape na ako. Pagkatapos din nito ay kakain na ako ng umagahan. May ipapasuyo ka ba?”

“Wala naman,” tugon ko. “Siya nga pala kuya, iyong mga alagang ibon ni Mommy napakain mo na ba?”

“Kanina pa at nauna pa nga sila sa akin,” sagot niya.

Walang paligoy-ligoy akong pumitas ng isang rose at ilalagay ko na sana iyon sa kabilang tainga ko nang pigilan niya ako.

“Hindi ba may allergy ka sa rose?” Patanong niyang sambit sabay kuha sa kamay ko ng bulaklak at nilagay iyon sa tainga n’ya.

“Salamat at pinaalala mo, kuya. Nagiging makakalimutan na talaga ako,” sabi ko saka ako nagpaalam sa kanya.

Dumeretso ako sa kuwarto ni Mommy. Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog niya. Saktong paglingon ko ay paakyat si Auntie Marsha at alam kong gigisingin niya na ang mga bata para mag-umagahan.

“Auntie, umalis po Chay at kasama niya iyong Clara,” sabi ko.

“Hindi man lang ba nag-umagahan?”

“Hindi po, nagmamadali kasi siya. Magti-text naman daw siya sa akin.”

“Pwede bang pakitawagan mo? Kakausapin ko lang.” Tumango lang ako saka kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Nakailang ring muna ito bago namin narinig ang boses ni Chay.

“Kakausapin ka ni auntie,” Panimula ko bago inabot kay auntie ang cellphone.

“Hello, Chay? Asan ka?”

Why Don't You Stay? (แค่เธอ) - JeffBarcode #2022Novel_BLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon