Chapter 6

584 13 2
                                    

Gabriel's POV



"OMG!!!!!!!! HUHUHUHUHU PATAY NA PALA TALAGA YUNG KAIBIGAN NIYAAAA" pag-ngawa ni Dash 

The movie ended pero si Dash, hindi pa rin nakakaget over. 

Nakahiga kaming lahat ngayon sa carpet, magkakatabi. 



"Life is short. Kaya dapat, live life to the fullest tayo" sagot naman ni Benj

"Ako dapat unang mamamatay sating lima ha! Ayoko na may mauuna sa inyo sakin, hindi ko ata kakayanin pag may burol akong pinuntahan puta kayo" seryosong sabi ni Dash. 



Natawa kaming apat. Ayos imagination ah. 



"Hanggang kamatayan paladesisyon ka pa rin? Character development naman dyan" pambabara ni Levi. 

"Seryoso kasi ako. Hindi ko ata kakayanin pag may isa sa inyong nawala" mahinang sagot ni Dash. 



Natahimik kaming lahat. 

I sighed. 



"We don't have any control in that babe" sagot ko sa kanya 

"Grabe no, ang bilis ng panahon... 28 na tayo. Parang kailan lang umaakyat pa tayo sa likod ng cafeteria para tumakas at magcutting haha" Benj said 



I smiled at the memory. 

I can say that highschool is the best highlight of my life because it's the start of our friendship. 

Sobrang daming ups and downs pero there's no dull moment with them.



"Naaalala niyo nung tumatakas tayo one time tapos paghakbang ni Dash dun sa pader, nabutas yung pants niya, nakita ko yung kuyukot kadiri talaga" Levi started 

"Oh my God babe wag mo na nga pinapaalala yan!!!!" Hinampas siya ni Dash 

"Grabe ang dami pala nating kalokohan nung highschool! Tapos si Blue dati diba, may gusto sa kanya yung nagtitinda sa cafeteria kaya lagi tayo may dagdag sa ulam HAHAHAHAHAHA" tawang tawang kwento ni Benj 

Nako!!!! Yung tindera na yun hanggang ngayon nanggigigil ako sa kanya eh! Lagi siyang pasimpleng haplos tuwing iaabot yung plato kay Blue!

"Hala naaalala ko yon! Yummy pa tawag sayo jusko! Kung iisipin mo pedo pala yung tindera kasi ang bata pa natin non!" Nadidiring tugon ni Dash 

"Hahaha... Nagsuntukan pa kami dati ni Benj kasi binigay niya yung number ko doon diba kaasar" natatawang pag alala ni Blue 

Hinampas ko ng unan si Benj. 

"Oo nga puta ka. Pinagpalit mo si Blue sa isang eggpie walangya kaaaaaa" reklamo ko



"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Tangina yan si Benj eh, bigyan mo lang ng eggpie bibigay na noon napaka hampas lupa. Pero in fairness, mula noon hanggang ngayon snitch ka pa rin!" Dagdag ni Dash 

"Aping api ako sa pagkakaibigan na to. Eh lagi naman kayo palibre sakin!" Reklamo ni Benj

BIglang niyugyog ni Dash si Levi habang natatawa.

"Te, magsalita ka muna bago ka tumawa bwisit ka haha" natatawa na ring sabi ko dahil hindi na makahinga si Dash

"HAHAHAAHAHA! Kasi... hahahahahaaha. Teka natatawa talaga ako!" naiiyak nang sabi niya.

Guilty of Unbidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon