Gabriel's POV
I stared at Blue while he cut the cartolina for me.
"Mmmmmmmmmm.... Bango"
Nanlaki ang mata ko sa alaalang sumagi sa isip ko. Agad kong pinukpok ang noo ko para mahinto ang kung ano mang iniisip ko ngayon.
Kaya lang napalakas ata ang pukpok ko dahil napalingon tuloy sila sakin.
"Bakit mo naman pinupukpok ulo mo dyan Riel? Nasisiraan ka na ba kakacompute ng grades? Kasi same" natatawang sabi ni Dash
Hindi ko siya pinansin.
Naramdaman ko ang kamay ni Blue, hinihimas ang noo ko.
"Namula tuloy. Tsk. What's with you?" Takang tanong niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad kong iniwas ang mukha ko. What the hell Gabriel?
Nagtataka niya akong tinignan.
"Anong nangyayari sayo? Ilang araw mo nako iniiwasan ah? Wala naman akong sakit" mahinang sabi niya
Oo nga. Ano bang nangyayari sakin? Punyetang panaginip.
Hinawakan niya ang kamay ko. Tinitigan ko ang kamay namin.
"May problema ba tayo?" Bulong niya.
Napapikit ako sa inis dahil parang libo libong kuryente ang dumaloy sa simpleng paghawak niya.
Bakit ko ba ito nararamdaman? Ang tagal na naming magkaibigan! Yung mga tingin niya nitong mga nakaraang araw, matagal na siyang ganun ah? Wala namang nagbago samin bukod sa mga pang-aasar na banat niya kaya bakit ba ako nagkakaganito? Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.
Pinisil niya ang kamay ko kaya naramdaman ko nanaman ang mga kung ano ano sa tiyan ko.
At hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Hindi dapat.
"Hindi na kita maintindihan Blue. Hindi nako natutuwa sa mga laro mo" madiing sinabi ko
"Anong laro?" Nagtatakang tanong niya.
Tinaas ko ang magkahawak naming kamay.
"Eto! Yung mga banat mo! Yung mga pasimpleng landi mo sakin! Naiirita nako sa mga pang-titrip mo Blue! Ano bang ginagawa mo ha? Bakit ba ang lakas ng topak mo?" hindi ko na napigilang magtaas ang boses ko
Basta naiinis ako!
Hindi ko alam kung kay Blue o sa sarili ko.
Napahinto ang mga kaibigan namin sa mga ginagawa nila pero hindi sila kumibo.
"Bakit Gabriel? Anong epekto ng mga ginagawa ko sayo?" Mahinang tanong ni Blue.
"Hindi ko alam! Basta naiinis nako Blue! Napapagod nakong makipaglaro sayo! Yung mga gestures mo hindi ko maintindihan kung totoo ba o pinagtitripan mo lang ako! Sinubukan naman kitang sakyan pero sakin nagbabackfire puta. Litong lito nako kaya please lang, tama na. Balik na tayo sa dati please." I pleaded
He smiled bitterly.
"Bakit.... Bakit ang manhid mo Gabriel?" Nakayukong sabi ni Blue.
"H-Huh?"
Kinabahan ako sa tono niya.
Sana mali ako...
Tumingin siya sakin, diretso sa mata.
"Bakit ang manhid mo?" Pag-ulit niya.
Napalunok ako. Ano bang gagawin ko? Ano bang sinasabi niya? Hindi ko na maintindihan. Ang tagal na naming magkaibigan, bakit niya ba to ginagawa? I hate unnecessary changes!
Nakatitig lang kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Bumuntong hininga siya.
"Hindi mo talaga alam?" Nalulungkot na sabi niya
"Hindi kita m-maintindihan Blue" kinakabahang sagot ko
Napaiwas siya ng tingin. He clicked his tongue. Then he started tapping his foot on the ground.
He chuckled, but there's no humor on it.
Lumingon sya pabalik sa akin.
"Hindi mo alam? Fine. Listen carefully then.
I'm sorry kung naguguluhan ka okay?
Pero hindi ko na kasi kayang itago pa. Pinigilan ko naman eh, maniwala ka. Ayoko rin namang masira yung ilang taong pagkakaibigan natin. Nilabanan ko talaga. Pero pagod na pagod na akong magpanggap na kaibigan lang talaga eh. Hindi ko naman ginusto na mahulog sayo." He said.
I panicked kaya inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. What the hell is he talking about?
"W-What the hell Bluwell! That's not true! Naguguluhan ka lang o..o.. b-baka nadadala! Imposible! Para na tayong magkapatid!"
He smiled sadly while looking at me.
He look so..
Disappointed.
Tumango tango siya na parang naiintindihan ang sinasabi ko
"I know it's hard for you to understand pero I'm sorry Gabriel...
Hindi ko naman sinasadyang mahalin ka ng higit sa dapat."
He looked away then walked out of the room.
Fuck.
BINABASA MO ANG
Guilty of Unbidden Pleasure
RomanceFokfok Series #1 Gabriel and Bluwell are highschool teachers and childhood bestfriends. One fell hard while the other stood his ground. They say that the twenty year friendship is strong enough to resist the pleasure and temptation that comes alon...